Fake friends

1219 Words
Chapter: 18 Lumabas na ng hospital si Ryan, at maari na siya mag aral dahil medyo okay na ang sugat niya sa braso. Nag aral din si Jenn, at magkaibigan na sila ni Ryan kahit sa text lang sila nagkakamabutihan at naging mag kaibigan. Magkasama sina Jenn at Analiza ng papasok sila ng school, at nakita nila si Ryan na pumasok at halata na hindi pa masyado magaling ang kamay niya kasi nakabalot pa ito. Pinuntahan ni Jenn, si Ryan.. " Hi kamusta ka na? At para bang close friend na sila, hindi na nagdalawang isip si Jenn na lapitan si Ryan, kahit kasama niya ang mga kaibigan niya. " Ohh si Ryan! " Ang biro ng mga kaibigan niya sa kanya. " Ano ba kayo, umalis nga kayo sa tabi ko!" At parang nahihiya si Ryan at masaya na pinansin siya ni Jenn, " Okay lang naman ako, medyo okay na ang sugat ko sa braso." At ngumiti kay Jenn. At kahit si Analiza ay nagtataka sa pakikipag Close friend ni Jenn kay Ryan, at iniisip niya na para bang meron siya hindi alam sa dalawa. Dahil parang kailan lang parang aso at pusa sila kung nagkikita. At ngayon feeling close sa isat isa. Ayaw mag isip ni Analiza pero gusto niyang alamin ang totoo sa dalawa. Lalo nainis ang mga ibang girls students sa campus nila ng makita nila si Ryan at Jenn na magkasama. Dahil hindi nila matanggap na bakit sa dami dami ng babae bakit si Jenn pa ang tinanggap ni Ryan na maging kaibigan niya. Marami ang nakipag kaibigan kay Jenn, kahit ang ayaw sa kanya noon, dahil kay Ryan. Kahit ang naga bully sa kanya noon ay parang pinipilit si Jenn na kaibiganin. Naiinis si Analiza dahil nagpapauto naman daw si Jenn, dahil kilala niya ang mga estudyante sa campus nila. Mga nagkukunwari lang sila para kay Ryan, dahil hindi inaasahan ni Analiza na nag punta siya ng restroom upang magbawas dahil sumakit ang tiyan niya. Narinig niya ang ibang students na nag uusap na nagkukunwari na kaibiganin nila si Jenn upang madali sila makagawa ng plano upang mawala si Jenn sa kanilang school. Sinabi ni Analiza ang lahat kay Jenn, Pero hindi talaga naniwala at nakinig si Jenn sa kanya, dahil imbes na makinig siya ay sinabihan pa niya ng masama. " Jenn makinig ka naman sa akin, narinig ko ang lahat ng sinabi nila Julia at Lea." " Analiza please lang okay na ako sa school, hindi na nila ako binubully pero sana masaya kana lang para sa akin, hindi yon gumagawa ka ng kwento para siraan sila at ikaw lang kaibigan ko." " Alam ko naman simula ng magkaibigan kami ni Ryan marami ng naging mabait sa akin at ramdam ko na naiinggit ka sa akin." Ang sabi ni Jenn sa nagmamalasakit niyang kaibigan na si Analiza. "Jenn bahala ka at least pinaglalaanan kita, kung darating man sa punto na malalaman mo ang totoong intention ng mga nagkukunwari na kaibigan mo,lalapit ka lang sa akin at hindi ako mawawala na kaibigan mo. Pero hanggat sila ang kasama mo lagi dumistansya muna ako dahil hindi niyo ako ka level." At naiiyak si Analiza habang nag papaalam kay Jenn, umalis si Analiza at iniwan si Jenn at hindi man lang sinundan ni Jenn ang kanyang kaibigan. Pinuntahan kaagad ni Jenn sina Julia at Lea, tinanong kung totoo ba ang lahat ng sinabi ni Analiza sa kanya. Pero tumanggi kaagad ang dalawa at ginawa pang masama si Analiza dahil gumagawa lang daw ng kwento si Analiza dahil, ayaw niya na makipag kaibigan sila kay Jenn. Matagal na daw gusto nila makipagkaibigan kay Jenn pero pinipigilan daw sila ni Analiza. At kaagad naman naniwala si Jenn dahil akala niya lahat ng sinasabi ng dalawa ay totoo. Hindi na pinapansin ni Jenn si Analiza dahil sa mga sinabi ni Julia at Lea kay Jenn, ginawa nila ang lahat para hindi pansinin ni Jenn si Analiza at para wala siyang maging kakampi kapag ginawa nila ang plano nila. " Jenn, kumusta kana? " Ang sabi ni Analiza, " Analiza kung papansinin mo lang ako ay para siraan ang mga bagong kaibigan ko! Huwag muna gawin dahil masaya na ako na kasama sila kahit wala ka." " Ang sakit mo magsalita, Jenn pinansin lang kita dahil gusto ko lang ibalik sayo ang bracelet na binigay mo sa akin, at simula ngayon ito na ang huli na makita mo ako na lalapit sayo,mag ingat ka." Pinigilan ni Analiza na huwag umiyak dahil naawa na siya sarili niya dahil siya pa ang nagsasabi ng totoo siya pa ang mali para kay Jenn. Hinayaan muna niya si Jenn, dahil kahit ano sabihin niya ay hindi naniniwala dahil na brain was na nila ang utak ni Jenn. Niyaya ni Ryan si Jenn lumabas sa sabado, pumayag naman si Jenn at pinaaalam niya sa mga bago niyang kaibigan. Pinasama ni Jenn sina Julia at Lea, at maaga sila umalis pumunta kung saan ang lugar na sinabi ni Ryan. Kasama ni Jenn dumating ang dalawa, nagtataka si Ryan bakit napansin niya na hindi na kasama ni Jenn si Analiza. " Jenn,kanina pa kayo?" " Oo Ryan kasama ko sina Lea at Julia," " Oo nga! Bakit sila ang kasama mo? Saan si Analiza, gusto pa naman kausapin ni Luis kaya siya sumama." " Hindi ko alam bakit simula ng naging kaibigan kita ayaw na niya sumama sa akin, hayaan muna iyon." " Okay lang baka ayaw niya na kaibigan mo ako, pero hindi ganun pagkakakilala ko kya Analiza." " Ryan, sino ba gusto mo makita siya o ako, para umuwi na kami at siya ang pupuntahan ko dito." " Jenn, syempre ikaw kaya tayo na doon tayo mamasyal at si Luis muna bahala sa dalawa mong kaibigan." Ayaw Naw patulan ni Ryan si Jenn, dahil alam niya hindi siya nanalo dito, kaya namasyal sila at kumain sa mamahalin restaurant. " Jenn bakit hindi ka masyado kumakain," " Kasi mas gusto ko kumain sa labas hindi dito, Ryan pwede ako naman maghanap ng kainan natin?" " Oo sige may tiwala naman ako sayo," Dinala ni Jenn si Ryan sa mga pagkain sa labas tulad ng barbecue at Kwek Kwek, at marami pang luto sa kalye. Nainis ang dalawa dahil bakit dinala ni Jenn sila sa maruming lugar. Hindi lang halata ang dalawa Pero nagkunwari sila na tinawagan sila ng mga parents nila at may kailangan sa kanila sa bahay nila. Gumawa ng sina Julia at Lea na makaalis kaya umuwi sila ng subra naiinis kay Jenn, " Jenn ano ba pagkain ito? Hindi ko yata kaya kainin yan?" Pati si Luis ay umuwi narin at naiwan sina Jenn at Ryan. " Try mo lang masarap yan promise mukha lang masarap pero kapag natikman mo subra sarap. " At sinubo ni Jenn ang paa ng manok na may mahanghang na sauce. Hindi talaga kaya ni Ryan, pero pinilit ni Jenn at siya pa ang pagsubo sa kanya. Kahit ayaw ni Ryan ay napilitan siya kainin ito, ngunuya ni Ryan ng Dahan dahan at first time niya makatikim ng ganun pagkain. Pero hindi niya namalayan na naubos niya ang isang stick na barbecue. Naisip ni Ryan na masarap pala, at masaya silang kumakain sa mumurahin pagkain, kunti lang nagastos nila pero busog na busog silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD