New Friend ni Jenn John Karl Agustin

1467 Words
Chapter: 4 Nagtataka si Jenn, dahil kahit anong pilit niyang tatandaan si Karl hindi parin niya maalala ito. Dahil first time nila magkita, nakangiti nalang si Karl kay Jenn, habang iniisip ni Jenn kung paano siya nakilala ni Karl. Kaya nang malaman ng teacher nila na kaibigan ni Karl si Jenn at kakilala nito ay punaupo nalang nila at hindi nalang tinanong ng marami. Pati si Analiza ay nagtataka dahil, naisip niya siya lang pala ang mahirap sa campus nila. Dahil nagpapanggap lang si Jenn na mahirap, kaya na tahimik si Analiza at hindi kumikibo si Jenn na umupo sa tabi niya. " Analiza, kilala mo siya?" Ang tanong ni Jenn kay Analiza. " Paano ko ba naman Hindi makilala si Karl, isa din siya sa pinakamayaman dito sa campus, pero hindi siya katulad ng three brothers group." " Na iba ang pinapasokan nilang classroom, dahil si Karl may kalayaan siya para mamili kung ano man ang gusto niyang course." " Hindi katulad ng three brothers group na magulang nila ang nagdesisyon sa kanilang mga buhay." Ang paliwanag ni Analiza kay Jenn, kaya napaisip na naman si Jenn kung paano niya nakilala si Karl na isang mayaman. Dahil wala silang kakilala na mayaman, hindi nalang iniisip ni Jenn, kinuha na lang niya ang kanyang papel at sumulat ng tinuturo ng teacher nila. Malapit na ang labasan nila sa school, kaya lumapit si Karl kay Jenn at Analiza. Niyaya niya ang dalawa na mag sabay kumain ng lunch mamaya. Hindi naman tumanggi si Jenn dahil gusto rin niya makilala si Karl. Nahihiya din sila ni Analiza na sumabay kumain pero kailangan niyang malaman kung ano ba ang dahilan bat ginawa ni Karl yon kay Jenn kanina. At bakit niya tinulungan, maraming gusto itanung si Jenn kaya sumama siya na makisabay Kay Karl mag lunch kasana si Analiza. Palabas na sila ng classroom at nagpaiwan sina Jenn at Analiza. Dahil gusto nila pag isipan kung sasama ba sila kay Karl o hindi. " Analiza, ano sa palagay mo sa sabay tayo Kay Karl mag lunch?" Ang tanong ni Jenn, hindi nagdadalawang isip si Analiza na sumabay Kay Karl kumain ng lunch. " Ano kaba Jenn, mabait si Karl hindi halata sa kanya ang isang mayaman. Dahil mabait siya sa lahat ng nakilala niya at mga kaibigan." Kaya sumama na sina Jenn at Analiza kay Karl lumabas silang dalawa at patungo sa restaurant kung saan ang sinabi ni Karl na doon sila magkikita. Paglakad nila palabas ng kanilang classroom nakita nila si Karl na naghihintay sa kanila sa labas ng restaurant. " Kanina pa kayo, bakit ang tagal niyo lumabas?" Ang sabi ni Karl at nakangiti kina Analiza at Jenn, nahihiya sina Jenn at Analiza pero hindi sila pagpapahalaga kay Karl. " Pasensya kana Karl natagalan kami, kasi tinapos pa namin isulat yon takdang aralin para bukas." Ang sagot naman ni Jenn, at nakangiti si Jenn kay Karl. Ngumiti din si Karl sa kanila, at niyaya sina Jenn at Analiza na pumasok na sila sa loob ng mamahaling restaurant. Nag aalangan sina Jenn at Analiza Analiza pumasok sa loob, dahil konti lang ang pera nila. At alam nila na mahal ang mga pagkain sa restaurant na ito. Dahil para lamang sa mga mayaman ang kumakain dito. Kaya hindi sila pumasok pero pinilit ni Karl na pumasok sila sa loob at umupo. " Karl, diba mahal ang mga pagkain dito?" Ang tanong ni Jenn Kay Karl. " Huwag mona isipin ang bayad first time ko kayo makasama kaya ako muna ang taya ngayon." Ang sagot naman ni Karl kay Jenn, at pinapasok na niya ang dalawang dalaga na kanyang kasama. " Ayon naman pala, tayo na pasok na tayo! " Ang sabi naman ni Jenn, at hindi man lang nag atubili na sabihin kina Analiza at Karl. Pumasok na sila at agad naman binigyan ng assign na waitress sa loob ng restaurant. Ng isang katalog at doon nakalagay ang pag pilian para sa kanilang order. Tinignan ni Jenn, at nakita niya kung gaano ka mahal ang bawat serve na pagkain. Hindi naka order si Jenn, dahil ang isang plato na pagkain ay halos Isang buwan na nilang alawans sa kanilang bahay ang halaga. Kaya ibinigay niya kay Karl ang katalog dahil hindi niya alam kung ano ang order niya. " May nakabili ka na ba?" Ang sabi niya kay Jenn, " Oo tubig nalang order ko hindi naman ako nagugutom.' ang nauutal na sabi ni Jenn kay Karl, at kinalabit niya si Analiza sa kamay para hindi mahalata na nagugutom silang dalawa. " Oh ikaw, Analiza anong order mo?" Ang tulong naman ni Karl kay Analiza, " Tubig nalang din Karl parihas lang kami ni Jenn, hindi naman kami nagugutom." Ang sabi ni Analiza kay Karl at nag tinginan silang dalawa, pero biglang tumunog ang tiyan ni Jenn at narinig ni Karl. Dahil kanina pa sila nagugutom pero nahihiya silang mag order dahil ang mahal ng bawat isang order. Dahil naisip ni Jenn, na ang halaga ng isang order na pagkain sa restaurant dito. Ay nag aalaga ng isang buwan ilang gastusin sa bahay. " Ano ba ang tumunog? Parang nagugutom kayo nahihiya lang kayo sa akin.!" Ang sabi ni Karl kina Jenn at Analiza. " Hindi naman p_Pero!" Hindi naituloy ni Jenn ang kanyang sasabihin dahil iniba na ni Karl ang usapan. Nag order na si Karl ng ibat ibang pagkain, at hindi na niya pinapili sina Analiza at Jenn. Dahil alam niya na nahihiya ang dalawa sa kanya, sa una palang makita ni Karl si Jenn, parang nagka interest siya sa dalaga. Dahil si Jenn, nay itinatagong ganda pero hindi lang nailalabas dahil mahirap lang siya at wala siyang sapat na gamit para mag paganda siya sa sarili niya. " Siya nga pala Karl, bakit mo pala ako kilala?" " Eh, sa totoo lang ngayon palang kita nakita, huwag kang ma opened sa akin ahhh! Pero sa totoo lang mahirap lang kami at kailanman walang ka kilala ang nanay at tatay kona katulad mong mayaman." Ang tanong ni Jenn, kay Karl at si Analiza tuloy pa rin ang pagkain niya dahil sobrang nagugutom siya. At una niya makatikim ng ganitong kasarap na pagkain. At si Jenn, halos hindi na niya mabigkas ang kanyang mga sinasabi dahil palagi napupuno ang kanyang bibig. " Kain ka muna Jenn bago ka mag tanong, baka mamaya mabulunan ka!" Ang nakangiti sabi ni Karl. Tumigil si Jenn at nakangiti din siya kay Karl. Hanggang sa matapos na sila kumain at naubos lahat ng pagkain na order ni Karl. Kahit konti lang ang nakain niya sa lahat ng ge order niyang pagkain. Dahil napapansin niya na nagugutom ang mga kasama niya. Dahil si Karl kunti lang siya kumain dahil ganyan ang mga mayayaman halos kunti lang makain niya tapos iiwan na nila. Pero dahil kasama niya sina Jenn at Karl ay naubos lahat ng order nila. At nag Sabi pa siya sa waiter na dagdagan pa ang pagkain nila. Kaya busog na busog sina Jenn at Analiza. " Ngayon tapos kana kumain Jenn, pwede ka na magtanong sa akin ngayon." Ang sabi ni Karl, " Hindi mopa nga sinasagot ang unang tanong ko sayo?" . ang sagot naman ni Jenn, " By the way gusto ko sana magpakilala sayo in personal! My name is John Karl Agustin and I'm 20 yrs old." " Jenn, ginawa ko yon para wala ng maraming tanong sayo! Dahil kung hindi ko ginawa yon sayo baka kung ano pa pinagawa nila sayo. Kahit labag sa kalooban mo." Ang mahabang paliwanag ni Karl kay Jenn. " Huwag mo sana bigyan ng malisya ang ginawa ko pagtulong sayo, at kahit sino naman ganoon sa kalagayan mo gagawin ko parin yon sa kanya." Nasabi ni Karl ang ganoong paliwanag dahil nahihiya siya kay Jenn at ayaw niyang mahalata ni Jenn na magaan ang loob niya sa dalaga. " Maraming salamat Karl, sa ginawa mo Pero sa susunod huwag mong gawin yun kung mapapahamak mo." Ang sabi ni Jenn kay Karl at nag aalala. Tapos na sila kumain at tapos narin ang usapan nila. At maliwanag narin kay Jenn ang dahilan kung bakit tinulungan siya ni Karl. Dahil naawa siya kay Jenn at ayaw niya na may babae sa kanyang harapan ng napapahiya. Yan ang pumapasok sa isip ni Jenn, kaya laking pasasalamat ni Jenn at Analiza na meron pa pala mag aaral sa school ng Saint Minnesota school na mabait at matulungin sa kapwa. Dahil ang akala ni Jenn lahat ng mag aaral sa Saint Minnesota school ay parehas ng ugali. Tulad ng una niyang nakilala na si Ryan at ang mga kaibigan niya na sina Luis at Ronald. Magaan ang loob ni Karl kay Jenn, at ganon din si Jenn sa kanya. At naging magkaibigan sina Karl at Jenn kasama si Analiza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD