Chapter: 12
Announcements para sa lahat ng mag aaral, may field trip sila makalipas ng dalawang linggo.
Masaya ang mga estudyante dahil hindi lang puro school ang kanilang magawa dahil kahit papaano ay makakasama natin sila.
Gumawa ng group ang mga school teacher's, he divide sila bawat group may sampung members.
Boys' and girls' magkasama sa group sina Jenn at Karl, at hindi nila alam kung sino pa ang kasama nila.
Masaya si Karl at ka group niya si Jenn, sila ay magdala ng kanilang mga gamit. Kasama din nila si Analiza at siyam na silang lahat.
Hindi alam ni Jenn, kung sino ang pang sampu nila sa group.
Lumapit si Ryan sa kanila habang binibilang ni Jenn ang mga kasamahan niya.
" Hoy Mr, yabang bakit andito ka?" Ang sabi ni Jenn,
" Miss tapang, dito po ang group ko, at may angal ka?" Nag simula na naman silang mag talo dalawa. Naiinis si Jenn dahil bakit sa dami pang estudyante ay bakit si Ryan pa ang kasama nila.
Subrang saya ni Analiza dahil ka group members nila si Ryan.
" Miss, sungit pagtiisan mo ako hanggang sa matapos ang Isang linggo na field trip natin."
Ang pang aasar ni Ryan, " umayos ka dahil hmm__" naiinis na talaga si Jenn kay Ryan habang si Ryan ay masaya na nakikita si Jenn na naasar sa kanya.
Masaya si Ryan na kasama si Jenn, at kita sa mukha ni Karl na ayaw niya kasama nila si Ryan.
Bago sila aalis ay mag provide muna sila ng mga gamit nila individual.
Bawat isa ay may dadalhin, at sa lunes ng umaga sila aalis. Gusto sumama ni Franco at Laiza pero hindi pwede dahil bukas na ang alis niya papuntang America.
" Hi Jenn, "
Ang pagbati ni Franco,
" Hello!"
Ang sagot naman ni Jenn, at ang mukha ni Laiza naiinis dahil ayaw niya pinapansin ni Franco si Jenn.
At lalo iniinis ni Jenn si Laiza dahil halata niya na nagseselos ito.
" Laiza kailan ang uwi niyo ng boyfriend mo?" Baka gusto mo pumasyal muna sa bahay nag visita kasi sila Mommy nasa bahay sila ngayon, next week pa ang balik nila ng Canada."
Ang sabi ni Ryan,
" Ohh talaga! Bukas papasyal ako sa inyo next week din uwi namin. May klase na kasi kami, at isa pa si babe kailangan na sa opisina nila."
Ang sagot naman ni Laiza.
Sinabi ni Ryan sa kanyang Mommy Laila na mag visita ang childhood friend niya na si Laiza.
Sa una ay hindi matandaan ni Laila si Laiza kundi lang sinabi ni Ryan ang mga magulang niya.
Masaya naman si Laila na papasyal ang isa sa mga Anak ng kasosyo niya sa negosyo.
Dahil ang magulang ni Laiza ang big client nila, kaya gusto ng mga magulang nila na sila Ryan at Laiza ang magkatuluyan.
Pero hindi kaya pilitin ng magulang niya si Laiza dahil expoild na anak si Laiza at walang ginusto na hindi nakukuha.
Pero alam ng magulang ni Laiza, na may boyfriend na siya, hindi naman mahirap si Franco.
Dahil may sarili din sila company, pero mas mayaman din si Ryan kaysa kay Franco.
Pero walang magawa ang mga magulang nila dahil si Laiza ay may boyfriend na ngayon.
Nag paalam si Jenn sa kanyang nanay dahil may puntahan sila kasama lahat ng estudyante ng Saint Minnesota school.
At Isang linggo siya mawawala, dahil marami silang event na gagawin, at kapag hindi siya sumama baba ang grades niya at magbabayad siya.
" Nay, Tay! Magpaalam po ako sa inyo may field trip kami sa sunod na linggo."
Ang Pag paalam ni Jenn,
" Anak, saa lugar at ilang araw kayo doon?"
Ang tanong ni Alissa.
" Anak, mag ingat ka doon dahil hindi mo kami kasama ng nanay mo."
Ang sabi ni Lito.
Malungkot ang mag asawa na sina Alissa at Lito dahil first time nila magkahiwalay ang kanilang anak na si Jenn.
" Nay naman! Wag nga kayo OA hindi naman ako mag aabroad Isang linggo lang ako mawawala. At kung makaiyak kayo wagas.."
Ang sabi ni Jenn,
" Oo nga mahal isang linggo lang pala mawawala ang anak natin."
Ang sabi ni Lito,.
" Basta anak mag ingat ka ha! Tawag ka sa amin pagdating mo doon."
Ang sabi ni Alissa,
" Nay next week pa iyon! kung maka remind ka sa akin parang ngayon na ako aalis. Nay naman saka kana mag sabi Pag paalis na ako kasi baka makalimutan kopa."
Ang sabi ni Jenn at ngumiti sa kanyang dalawang magulang na malungkot na nawawala siya ng isang linggo.
Pinagbili ng gamit ni Alissa si Jenn, upang may magamit siya sa kanilang bakasyon sa tabi ng dagat.
Kahit mumurahin lang ang mga binili ni Alissa ay masaya na si Jenn sa effort ng kanya magulang.
Kaya kahit anong hirap ni Jenn makihalubilo sa mga kaklase niya na mayaman, ay tinitiis niya para lang matupad ang pangarap ng kanyang magulang na makapag tapos siya s school na iyon.
Hindi rin magtatagal dahil may Isang taon na lang at mga college na siya.
Kahit na sa lower grade palang si Jenn ay nag papartime job siya tuwing Sabado at linggo.
Para makatulong siya sa kanyang magulang, at may pang bili siya ng project sa school at baon niya sa school.
Kaya ang magulang ni Jenn hindi nahihirapan sa kanya, dahil madiskarte si Jenn at hindi nahihiya na sa kahit anong trabaho na kanyang papasokin basta malinis at marangal.
Kaya ngayon may parating sila na field trip hindi ginasto ni Jenn ang sahod niya at ibinigay sa kanyang nanay pangbili niya ng gamit at ibayad sa Kanilang amot.
Ayaw din ng nanay at tatay ni Jenn nagtatrabaho siya kapag walang klase dahil hindi man lang daw siya nakapag pahinga.
At gusto ni Alissa na ayosin ni Jenn ang kanyang sarili dahil hindi na siya bata at malaki na.
Nagdadalaga na at paano may nagkakagusto sa kanya kung hindi niya ayusin ang kanyang sarili.
Pero para kay Jenn, hanggat hindi muna siya makapag tapos ng pag aaral wala muna ang love life.
Dahil sagabal lang sa pag aaral yan ang nasa isip ni Jenn.