Nagkakapalagayan na ng loob sina Jenn at Ryan

1203 Words
Chapter: 6 Magkasama sina Jenn at Ryan sa sasakyan, at nakatulog si Jenn. At hindi alam ni Ryan kung saan niya ibaba si Jenn kasi hindi niya alam kung saan ang bahay nila Jenn. Gusto gisingen ni Ryan si Jenn pero hindi niya magawa dahil ang sarap ng tulog ni Jenn. At humihilik pa habang natutulog, natumba ang ulo ni Jenn at sa balikat ni Ryan natumba. Hindi na inalis ni Ryan ang kanyang balikat dahil naawa din siya kay Jenn dahil napansin niya pagod at inaantok na si Jenn kaya hindi niya namalayan nakatulog siya habang pauwe sila. Hinayaan na lang ni Ryan, na makatulog si Jenn sa kanyang balikat, inayos niya ang buhok ni Jenn, at napansin niya ang maamo niyang mukha. Napansin ni Ryan na ang ganda pala ni Jenn kahit hindi siya nakalagay ng kolorete sa mukha ay lumabas pa rin ang tunay na kagandahan ni Jenn. Binawi ni Ryan ang mata niya na nakatitig sa mukha ni Jenn, dahil hindi namalayan ni Ryan ang dami pumapasok sa isip niya habang nakatitig siya sa mukha ni Jenn. Ilang sandali na lang nagising si Jenn at nagulat dahil nakasandal siya sa balikat ni Ryan. Bigla siyang bumangon at tinanggal ang ulo niya sa balikat ni Ryan. Nakita ni Jenn na nakatulog si Ryan habang hinintay ang pag gising niya. Naisip ni Jenn na may tinatago rin pala kabutihan sa puso ni Ryan. Dahil hinayaan niya makatulog si Jenn sa kanyang balikat. At nagising si Ryan, " Hmmmmm giseng kana pala? Saan ba ang bahay niyo? Ang sarap ng tulog mo at naglalaway kapa habang natutulog." Ang pabiro na sabi ni Ryan kay Jenn. " Ikaw nga dyan ang naglalaway ang sabi ni Jenn kay Ryan." At ngumiti si Jenn, lumabas ang cute na dimple ni Jenn. At napansin ni Ryan kaagad ang ganda ng Smile ni Jenn. " Maganda ka pala kapag nakangiti!" Ang sabi ni Ryan kay Jenn. At ngumiti siya kay Jenn, sinabi na ni Jenn kung saan ang bahay nila at tumungo na sina Ryan at Jenn kung saan ang bahay nila Jenn. Dumating na sila Jenn sa kanilang bahay at nakita niya ang kanyang dalawang magulang na sina Alissa at Lito. Na naghihintay sa kanya sa labas, nag aalala ang dalawa dahil Gabi na hindi pa rin nakakauwe ang kanyang anak na si Jenn. Akala nila kung ano na ang nangyari sa kanilang onika hija. Bumaba na si Jenn sa mamahalin sasakyan ni Ryan. Bumaba muna si Ryan at pinagbukas ng pintuan si Jenn. Nakita ng magulang ni Jenn kung gaano ka gwapo at maganda ng sasakyan ni Ryan. Masaya ang dalawang mag asawa dahil first day of school pa ni Jenn ay naka bingwit siya ng mayaman lalaki. Naisip ng magulang ni Jenn na makahahon na sila sa kahirapan kung si Ryan ang maging asawa ng kanilang anak na si Jenn. " Anak bakit ngayon ka lang! Sino ba yan ng hatid sayo papasukin mo naman at ng makakain ng hapunan." Ang sabi ng nanay ni Jenn na si Alissa. " Ay nay huwag na po hindi yan kakain dito mayaman yan siya hindi kumakain ng katulad ng kinakain natin." Ang pang aasar na naman ni Jenn Kay Ryan. Naisip ni Ryan na kumain at lalo niya iinisin si Jenn, at gusto malaman ni Ryan ang buong pamumuhay ni Jenn para may alas siya kapag nag away sila ulit. " Sino nag sabi ayaw ko! Payag po ako at isa pa nagugutom ako hindi pa kasi ako kumain ng hapunan." Ang sabi ni Ryan at kumindat kay Jenn at lalo nainis si Jenn kay Ryan. " Sigurado kaba? Baka magsuka ka kapag nakakain ka ng pagkain namin mahihirap." Ang naiinis na sabi ni Jenn kay Ryan, " Ano kaba anak papasukin muna ipaghanda ko lang kayo ng makakain niyo." Ang sabi ni Alissa sa kanyang Anak na si Jenn. Pumasok na sila at nag handa ng pagkain si Alissa para sa kanilang apat. Ang tatay ni Jenn na si Lito ay nakatingin kay Ryan, kahit anong kilos ni Ryan ay nakatingin si Lito sa kanya. Napapansin din ni Ryan ang kilos ng tatay ni Jenn sa kanya. Kinakabahan si Ryan sa kilos ng tatay ni Jenny sa kanya. At habang pinagmamasdan ni Ryan ang buong bahay nila Jenn, naisip niya ang bahay na tinitirhan ni Jenn ay mas malaki pa ang buong kwarto niya. Naisip ni Ryan kung paano nagkakaisa ang tatlong tao sa maliit na bahay na ito. At paano sila nakakahinga sa masikip na lugar na ito, ang dami iniisip ni Ryan habang pinagmamasdan niya ang buong bahay nila Jenn. Naawa si Ryan sa buhay ni Jenn, kaya pala matapang si Jenn dahil alam niya na kapag namatay siya wala siyang maisip na maiiwan niya. At bigla nakangiti si Ryan mag isa dahil ang dami niya naiisip kay Jenn habang naghihintay at nakatingin sa buong bahay nila Jenn. " Ihoo, bakit ka matatawag?" Pinagtawanan moba ang madumi at maliit na bahay namin!" Ang galit na tanong ni Lito kay Ryan. Na kanina pa niya pinagmamasdan ang bawat kilos nito. Ilang sandali na lang at tapos ng paghahanda ni Alissa ang kanilang hapunan. Habang si Ryan nakatingin lang sa ibinigay ni Alissa na kanilang kakainin. " Jenn, anak tulungan mo akong mag handa ng pagkain natin, kasi baka nagugutom na ang kaibigan mo." Ang sabi ni Alissa kay Jenn, hindi mawala sa mga mata ni Ryan ang ginagawa ng pamilya ni Jenn. Naisip ni Ryan parang ang saya ng pamilya nila dahil palagi silang masaya at nagbibiruan ang ganda pagmasdan ang kanilang ginagawa ang naisip ni Ryan. " Nay, parang may celebration ahhh kasi ang dami pagkain na nakahanda ngayon." Ang Sabi ni Alissa kay Jenn, " Anak, basta para sa nanay mo lahat ng visita mo ay special para sa kanya. Kaya nag luto siya ng marami, kahit ang para sa lutuin bukas ay sinabi niya lutuin ngayong." Ang naiinis na sabi ni Lito sa kanyang asawa. " Ikaw Lito, umayos ka huwag mong ipahiya ang anak natin sa visita niya." Ang sagot naman ni Alissa sa kanyang anak. Natapos na rin sa paghahanda si Jenn at Alissa at tinawag na nila ang kanilang visita na si Ryan. Umupo na si Ryan, at humarap sa maliit na mesa nila Jenn, nakaupo lang sa sahig dahil maliit lang ang kanilang bahay kaya nakaupo sa sahig kapag kumakain. Halos magkakadikit sila sa upuan sa sikip ng kanilang bahay. Nakita na ni Ryan kung anong klase ng pagkain ang kinakain nila. Hindi alam ni Ryan kung paano niya kakainin, dahil kapag tinitignan ni Ryan parang pagkain ng alaga nilang baboy. Ayaw mag salita ni Ryan kasi ayaw niya ma insolto ang magulang ni Jenn na nag effort para gumawa ng special na pagkain para sa kanya. Hindi kumakain si Ryan dahil hindi Niya alam kung paano niya kakainin. " Hindi ka naman pala kakain, umalis kana diyan alam ko hindi ka sanay kumain ng pagkain mahirap na katulad namin." Ang mataray na sabi ni Jenn kay Ryan. " Ahhh,,ano!! Kakain naman ako," Ang sabi ni Ryan at kinuha ang dahon at ginaya niya kung paano kinakain nila Jenn ang adobong kangkong at salad with grilled chicken.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD