ANDREI POV Maaga akong pumasok sa school dahil alam ko na maagang pumapasok si Tres. ‘’Andrei?’’ tawag sa akin ng girlfriend ko. Lumapit naman ako sa kan'ya at niyakap siya bago halikan sa noo. ‘’Good morning!'’ pilit na ngiting sabi ko. ‘’Good morning. Pero, nagmamadali ka yata?’’ tanong n'ya. "Kailangan ko kasing makausap si Tres.’’ ‘’Huh? Bakit naman? May nangyari ba?’’ Should I tell her? ‘’M-May nangyari kasing... hindi maganda,” sabi ko. ‘’What? Tell me,’’ pamimilit n'ya at napabuntong hininga naman ako. ‘’Remember Annie? Iyong nakausap ko kahapon? Hindi ba nalaman natin na hindi r'on natulog ang kapatid ko,’’ sabi ko at tumango naman siya. ‘’Then?’’ ‘’Kina Tres pala natulog si Zea, ang kapatid ko,’’ mahinang sabi ko na nakapag pagulat sa kaniya. "What!? P-Pero… s

