ASTRID POV Sa loob ng dalawang linggo na wala kaming pasok ay hindi ako umalis ng bansa. Hindi ako nagpunta ng states dahil kaya ko pa, lalaban ako. Simula na ulit nang pasukan at maaga akong pumasok bago nagtungo sa room ko ‘’Astrid, hindi kaya hinatid ni Andrei?’’ tanong ni Lalaine. ‘’B-Busy kasi siya,’’ sagot ko. ‘’Ang sabihin ng isa diyan, nagsawa na sa kanya si Andrei kaya break na sila,’’ sabi ng isa kong kaklase at nagtawanan sila. Napatungo naman ako sa narinig ko dahil tama sya…. Nang matapos na ang lesson ay agad akong lumabas at nagpunta sa HRM building. Pagkadating ko sa room nila ay nadatnan ko ang magkakaibigan na sina Andrei pero ang kaibahan, may ka-akbay na babae si Andrei. ‘’Ikaw pala, Princcess A!’’ masayang tawag sa akin ni Ren nang makita n'ya ako at nahihiya na

