ANDREI POV Umaga na at dito na ako nakatulog samantalang sa kabilang kwarto naman ang mag-ina ko. Mag-ina. Napangiti naman ako sa isipin kong iyon. Lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko naman sa kusina sina Astrid. ‘’Good morning, Kuya Andrei,'’ bati sa akin ni Aexl. Mas guto kong Daddy Andrei. Tumingin naman ako ng masama kay Astrid na nakatingin din sa akin bago siya umiwas. ‘’Good morning, Aexl!’’ bati ko at nagpunta naman ako kay Astrid para halikan siya. ‘’Morning babe," bati ko. ‘’Kuya? Why did you kissed my Mom?’’ kunot noong tanong ni Aexl na ikinagulat ni Astrid. ‘’A-Ah, ano kasi baby—" ‘’I love your Mom,’’ putol ko sa sasabihin ni Astrid. ‘’Yes, he loves—What!?’’ gulat na sabi ni Astrid samantalang bored ko lang soyang tinignan. ‘’Mom? Nagiging monster ka na naman,'’ s

