Naunawaan
"You know the guy?"
Inangat ko ang tingin kay Elcid nang magtanong sya habang abalang nagmamaneho. He just threw me a glance before returning his eyes on the road. Pabalik na kami ngayon sa court kung nasan ang mga kaibigan.
Umiling ako. "Hindi eh.. Ikaw, kilala mo ba?"
Natagalan siya bago makasagot, marahil ay nag-iisip.
"The name sounds familiar," he simply said.
I nodded. "Maybe someone from school then.." kibit-balikat ko. "But whoever it is, we should really really thank him dahil pumayag siya kahit last minute! He practically saved us,"
Hindi madaling pumayag lalo pa't walang kapalit ang pagsali nya. All the earnings from the games would be given to Elcid. So it really takes an odd soul to join and agree! Pag nakita ko siya ay yayakapin ko talaga siya sa sobrang pasasalamat!
Tinignan ko ang oras at napagdesisyonang bumili ng refreshments para sa practice nila.
"Savemore na lang," turo ko dahil yun na lang ang madadaanan naming store.
Nasa sentro ito ng bayan kaya't hindi na ko nagulat nang makakita ng ilang kakilala sa loob ng supermarket. I saw one orgmate from my broadcast club and another one from drama guild. Mayroon din kaming nakasalubong na batchmates ko. Ni hindi ko na nabilang kung ilan ang nabeso ko roon.
Tuwing napapatagal ang pakikipag-usap ko sa nakakasalubong, my gaze always finds its way to Elcid just so I could check on him. Tulad ng madalas ay nasa gilid lang siya, matiyagang naghihintay habang nakapamulsa. No sense of impatience. Just him and his usual dashing face. Calmly waiting for me to finish catching up with my friends.
"Hmm.. should we get gatorade or powerade?"
Sa refrigerated section na kami dumiretso para kumuha ng bibilhin.
"Powerade na lang. It has lesser calories,"
I nodded with a smile. "Alright,"
Naglagay ako ng sapat na bilang noon sa maliit na pushcart na siya ang may hawak. We got them in assorted flavors.
Wala pang 20 minutes ay nakarating na kami sa court. Sa labas pa lang ay rinig na rinig na ang pagtalbog ng bola pati na ang tunog ng nagkikiskisang sapatos at sahig.
Cal was the first one who saw us. Agad siyang napahinto sa pagdi-dribble.
I noticed a familiar figure standing in the middle of the court. Tila nakita ko na ang pigurang iyon ngunit hindi matukoy kung saan at kailan. Pinasa roon ni Cal ang bola saka sya tumuwid ng tayo.
"Einj!"
I waved my hand as I walk towards him. Si Elcid ay kina Aysen dumiretso.
"Where's Adea?"
Kusang lumipad ang mata ko sa hindi kilalang lalaki nang humarap din ito sa direksyon ko.
"She left to pack her things pero babalik pa.."
"Rae?" bahagyang humina ang boses ko for some reason, kaya't tumikhim ako.
"Pinasundo na ni Tita,"
Sa likod ni Cal ay nakita kong lumakad ang lalaki patungo sa bleachers.
The guy picked up a hydroflask from the bench and opened it. Inangat niya iyon palapit sa bibig nya upang inuman. Napakurap ako nang lumandas ang mata niya sakin.
Binalik ko ang tingin kay Cal na nasa harap ko. He was already busy on the stuff we bought. Habang hinahalungkat iyon ay nagtungo na rin sya sa benches kaya't sumunod na ako.
"Oh," wika ni Cal nang tila may maalala. Bumaling siya sa lalaki. "Pre, si Einj nga pala."
The guy lifted up his gaze on me. Nang magtama ang tingin namin ay tinanguan niya ako.
"Einj, siya na yung isang player."
Sa sinabi ni Cal ay bahagyang nanlaki ang mata ko.
Agad akong lumapit sa lalaki at huminto sa tapat niya. Sa pag-angat ng dalawang kilay niya ay mababakas ang munting pagtataka.
"You're Caspian Alister?"
He stared at me in confusion before nodding a bit.
I gasped and instantly threw my hands around him. "OMG, thank you for joining the team!"
Batid ko ang pakabigla niya dahil ramdam kong natigilan ang katawan niya sa ginawa ko.
"Einj." malamig na saway ni Elcid mula sa malayo.
Sa gilid ng mata ko ay nakita kong patungo na sya sa pwesto namin. My friends always warn me about being too comfortable with other people. Anila'y iba-iba raw kasi ang tao. Maaaring ayos lang iyon para sakin ngunit sa iba ay hindi.
Bago ko pa man makalas ang pagkakayap ay naunahan na ko ng lalaki sa pagtanggal ng braso kong nakapulupot sa kanya.
"Sorry," an awkward smile formed on my lips, suddenly feeling embarrassed. "Anyway, what should we call you?"
Inangat ko ang tingin sa kanya habang nag-iisip, trying to save myself from shame through changing the topic. I sweat inwardly when I noticed that there's no humor on his face. s**t. He must be displeased by what I did.
"Since your name is Caspian Alister... it can be Ali, Casper, Alister or Caspian, right? Hmm which one do you like most?" walang-patid na wika ko upang ibsan ang kaba.
"Damn, Einj calm down." singit ni Cal. "At this rate, you're gonna scare every single new soul in this village!"
Humarap siya kay Alister. "Pasensya na, men. Ganto lang talaga 'tong tropa namin,"
Pansin kong dumako sa gilid ang tingin ni Alister. I felt a warm hand holding my wrist. Habang kinakausap pa ni Cal si Alister ay giniya ko ni Elcid sa isang tabi.
He eyed me intently.
I scratched my nape. "I know, I'm sorry I got carried away," I smiled mischievously.
He just sighed and didn't say anything about it. Inangat niya ang isang kamay at inabot sakin ang hawak.
"Your phone," aniya saka binalik sakin iyon pati ang wallet. Pinahawak ko nga pala sa kaniya iyon kanina.
I grinned. "Thanks," wika ko pagkatanggap.
Bumalik ang tingin ko kina Alister.
Cal was still busy blabbering nonsense stuff at him. Ngunit wala sa kaniya ang atensyon ni Alister.
His eyes were directed somewhere in my hands.
Saglit lamang iyon dahil kalaunan ay hiniwalay niya rin ang tingin. Tila may agad napagtanto't naunawaan.