Nasamid Fortunately, natuloy na nga ang release ni Tita Grace mula sa ospital noong gabi ring iyon. Sa pagkakataong ito ay matiwasay na siyang nakalabas. We just had an intimate dinner in the Java Shop to welcome her back. Simple lamang at hindi na rin namin pinahaba ang gabi upang makapagpahinga siya nang maaga. "So.. basketball training resumes tomorrow?" paniniguro ni Cal noong pauwi na kami. Tumango ako upang kumpirmahin iyon. Noong nakaraan ko pa naman iyon nabanggit sa kanila matapos kong malaman na makakauwi na sila Tita. "Sa hapon na. After class." paalala ko. Balak ko na lang daanan si Elcid sa Java Shop bukas pagkatapos ng klase. I have to bring my car then. Hindi na muna ko makikisabay kay Alister sa pagpasok. Kaya naman bago ko matulog ay minabuti kong i-text si Ali. Ei

