Chapter 4: Sue

2108 Words
Sue I've been really so stupid. So so stupid na hindi ko pa pinilit ang sariling makaalis dito kagabi. So stupid na inabot pa ako ng umaga. Nakapikit ang mga mata ko ngunit ang mga kilay ko ay matindi na ang pagkakasalubong. My body is in so much pain. Natatandaan kong hindi niya ibinibigay sa akin ang lahat ng bigat ng katawan pero ngayon ay sobrang sakit talaga ng katawan ko. Especially the part down there. Shaking my thoughts about lastnight, I groaned and firmly held my hair as I opened my eyes. I'm still in this dark room. Ngunit mula sa bintana at makapal na kurtina ay kita ko ang sinag ng araw. It's really morning already! Wala sa sariling umupo ako sa kama. I attempted but failed. Muli akong bumagsak dahil sa sakit sa pagitan ng aking hita. From the ceiling, I darted my eyes to my side and there I saw the culprit of this. He is still in his deep slumber, eyes were closed but his brows were perfectly knitted and his lips were parted a little. Slowly and absent-mindedly, my hand moved to reach for his soft pinkish lips. Nagsalubong ang kilay ko at agad na pinigilan ang sariling kamay. What the hell is that? I need to get out of here NOW! Kahit hirap ay pinilit kong alisin ang braso ng lalaking ito sa aking dibdib. I guess that's one more reason why my body feels so damn heavy. Just one arm of him and it almost choked me to death. Muli ay pinagmasdan ko siya. Ngayon ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanyang katawan. Half of it is covered by the comforter. His frame is huge and perfectly built. Muli ay mabilis kong ipinilig ang ulo bago ko pa man maisipang bilangin ang abs niya. This is not so me! This guy makes me a pervert just after lastnight. Carefully and slowly, I slid out of his touch and get off the bed. I winced in the pain between my legs at mas lalo akong napangiwi nang makita ang hubad kong katawan. I've been really so stupid lastnight. Am I regretting it? Yes, no? I don't really think so at this moment. Hinanap ko sa paligid ang damit na suot ko kahapon, hoping this man didn't wreck it lastnight. I'm not going out of this place wearing one of his dress. A really big NO for that. And there I've found it in the sofa across his bed, lying neatly on it with my undergarments. Uminit ang pisngi ko habang iniisip kung paano niya iyon tiniklop ng maayos. Muli ay ipinilig ko ang ulo ko. Still totally naked, I walked in his CR and fixed myself. It's so unladylike and against the rule of my proper hygiene but I still used his toothbrush. It's his room at wala akong nakitang unused. Siguro ay mayroon sa guest rooms pero rito ay wala. Muli akong bumalik sa kwarto at lumapit sa sofa. I don't want to wear my used panty. I glanced at the still sleeping man before heading to his walk-in closet. Kumuha ako ng boxer brief doon na malinis. It would do for now. Ibabalik ko na lamang o kaya naman ay itatapon ko na lamang. I'm not planning to meet him again, anyway. Nang lumabas ako ng walk-in closet ay suot ko na iyong brief. Ayaw ko mang aminin pero mukhang mas komportable pa ito. But of course, it's probably just my imagination. "Where are you going?" his deep morning voice startled me. Madilim pa rin dito sa loob at wala akong balak na buksan ang ilaw, not when I'm naked here. I noticed him still lying on the bed, now one of his arms under his head looking up at me. Maingay akong lumunok at umiwas ng tingin. We already savoured the moment lastnight okay? Kaya hindi ko malaman kung bakit naapektuhan pa rin ako sa kanya ng ganito. Nang muli ko s'yang sulyapan ay nakaawang ang bibig n'ya sa akin. Doon ko lamang namalayan na hubad pa rin ako. Nanginig ang tuhod ko at halos mabuwal sa biglaang pagbilis ng t***k ng aking dibdib. I gulped loudly and act as if it's nothing. We've seen each other lastnight kaya wala ng dahilan para itago ko pa ito sa kanya. "I need to go." and I'm so really impressed of myself that I didn't stutter with my words. My hands were shaking ng kinuha ko ang dress ko. "Where?" takang tanong n'ya at ngayon ay umupo na sa kama. I watched him rested his back on the headboard, the dark look in his eyes is still there. Muling nanginig ang tuhod ko sa tono ng boses n'ya. My body wants to turn my back to him as I wear my dress, but my pride don't want to. Kung iiwas pa ako ay maaalala lamang n'ya ang nangyari kagabi, bagay na alam kong hindi namin makakalimutan na dalawa. Pero gusto kong ipakita sa kanya na wala lamang sa akin ang nangyaring iyon. Atleast that's what I want to show him from the outside. But deep within me, I care. I cared for what I lost. "Come on Mr. Ranieri." I slowly wear my bra. Slowly dahil kung bibilisan ko iyon ay baka mahalata n'ya ang panginginig ko. And from my feet, I slid my dress up to my shoulder, without breaking eye contact with him. "I need to go home now." I told him. And why so clingy now, huh? It's not like we have a serious relationship here. I watched him uneasily moved on his seat. His adam apple moves and I noticed his heavy breathings. "N-Not this morning. Later this afternoon." No way! I turned my back to him, facing him my bare back. "Can you zip me up?" He didn't answer but I heard him approaching, I can feel his hot body walking towards me. I'm breathing heavily. My eyes were closed and my breath caught on my lungs when I felt his hand behind me. His fingers barely touched my skin as he zipped my dress. "Like this?" he breath on my nape. I nodded, eyes still closed. "Y-Yes." Idinilat ko ang mga mata ko ng maramdaman ko ang init ng kamay n'ya sa balikat ko. Hindi pa n'ya ako hinahawakan pero ramdam ko na s'ya. Goosebumps rised oll over me. Bago pa n'ya ako tuluyang mahawakan ay lumayo na ako. Mabilis kong kinuha ang sapatos ko nasa ibaba ng sofa bago nagmamadaling lumabas ng kwarto. I don't understand myself. He barely touched me pero ang mga nangyari kagabi ay unti-unting bumabalik sa utak ko. The way he worshipped and caressed my body. The way he kissed me as if his life depends on it. His hands are rough but the way it contacts with my soft pale skin, it is so gentle na kahit na pumipikit na ang mga mata ko ay pinipilit ko pa ring dumilat, making sure the touches came from him. "You can't go." sabi n'ya ng sinundan ako sa sala. Tuwid akong tumayo ng masuot ang aking sapatos. Masama ko s'yang tiningnan ngunit agad din akong umiwas. I've seen him in all his glory lastnight, okay? Kaya kung bakit nagkakaganito pa ako ngayon ay hindi ko maintindihan. I shouldn't care if his towel clad body is on display. So what di ba? I shouldn't give a damn now dahil may nangyari na sa amin at dapat ay wala akong pakialam sa kung anumang meron s'ya. "I can Mr. Ranieri. I am going." mariing sinabi ko, not letting my hormones over power me. One is enough and that one was so stupid. "We have a deal. I told you I'm gonna bring you--" "We don't have a deal. Ganoon din naman iyon. Later afternoon and right now this morning are just the same. Dapat nga ay kagabi pa ako nakaalis." Kung hindi lamang ako sobrang napagod dahil sa nangyari ay sana nga kagabi pa lamang ay nakaalis na ako. Para saan pala ang pagiging estupida ko kagabi kung hindi rin ako makakauwi agad? "But you can't." pagpupumilit n'ya. Mariin akong pumikit. I have so many problems to think, lalo na pagkatapos ng nangyari kahapon. Sigurado akong galit na galit sa akin ngayon si daddy at kailangan kong ipaliwanag ang sarili ko sa kanila. "I can Mister. Ikaw lamang naman ang ayaw. You can let me go home now. There's no reason why you have to lock me in here!" "I have a reason--" "What? About my sister again? I get it okay? You are all protective of her and I don't care about that. Just let me go now." "No." he grunted and turned his back to me. This man! How dare he talk back to me? "Alam kong hindi ka masamang tao." I said in a low but firmed voice, making him halt from stepping more. "Alam ko namang totoong ibabalik mo ako pero hindi na ako makakapaghintay. I have important things to solve right now. Kung hindi mo ako palalabasin ngayon..." Now he turned to me, his eyes were dark as he noticed the threat in my words. "... I will sue you. For kidnapping me and for what happened lastnight." He smiled wickedly, almost sending me on my knees. "I kidnapped you for purpose. Kung idedemanda mo ako ay malalaman nila kung ano ang ginawa mo. And about what happened lastnight, you did it on purpose right? You initiated it and it's as if may maniniwala sa'yo." Matatalim ang tinging ibinibigay ko sa kanya. I can accussed him as a r****t. Pero bakit ako nangangamba na baka nga walang maniwala sa akin? Sino ba s'ya sa tingin n'ya at paniniwalaan s'ya ng lahat ng tao sa sasabihin n'ya? "Fine!" I furiously yelled. "Let's forget about what happened just let me go, okay? Hindi mo ba naiintindihan? That's how badly I wanted to get out of here. Hindi sira ang ulo ko at walang matinong tao ang ibibigay ang pagkababae n'ya sa isang estranghero para lamang makaalis na rito! Now please? Please, please, please Mr. Ranieri, let me go." Mataman n'ya akong tiningnan. Mukha namang naiintindihan n'ya ako pero may kung ano pa rin sa sinabi ko na nagpasana ng tingin n'ya sa akin. "I am not going to forget what happened. Not what you did to your sister and definitely not what happened lastnight, Miss Ventura. You wait here." aniya at tinalikuran ako. Taas noo ay naghintay nga ako. He's been inside his room for like five minutes. Nang lumabas s'ya ay may suot na s'yang pants. I tried hard enough not to look on his abs and amazing V-line. Kung bakit kasi hindi pa nagsuot ng damit? Nagtaas ako ng kilay sa kanya, pilit na binabalewala ang kanyang katawan. "What now?" He held me my bag I didn't notice him holding. Mabilis ko iyong kinuha at chineck ang cellphone ko. Napamura na lamang ako sa sarili ng makita ang napakaraming missed calls at text messages mula kay daddy at mommy. Meron din na galing kay Brent. "Don't worry, I didn't answer any of the calls." "You better not." Nagtaas s'ya ng kilay sa akin bago umiling. Tumunog ang kanyang cellphone at kinuha n'ya iyon mula sa likod ng bulsa ng kanyang pantalon. My arms were crossed over my shoulder waiting for his instruction. Why I even waiting for him, anyway? He just can't act like he's my boss. Wala s'yang karapatang utus-utusan ako! But then... "Your car is parked outside the building." aniya at binuksan ang pinto sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko dahil kaninang sinusubukan ko iyon ay hindi naman bumubukas. Pero hindi na rin ako nagsalita. Sa labas ng pinto ay nandoon ang susi ng sasakyan ko, lying on the floor. Kinuha n'ya iyon at inabot sa akin, na agad ko namang tinanggap. I pushed him a bit so I could step outside. Lumingon ako sa paligid pero wala akong nakitang kahit na sino. "Where is Rael?" galit na tanong ko. Nagsalubong lang ang kilay n'ya. "It's his fault. Malalagot talaga s'ya sa akin kapag nakita ko s'ya!" He tsked and shook his head. "The reason why I didn't let him in. Now you may go before I change my mind." Isang beses ko s'yang inirapan bago inayos ang aking bag sa balikat. Without any words, I left him as I turned on the left and headed for the elevator. Bago pa man ako makapasok, his voice echoed in the hallway. "I'm keeping my eyes on you, Miss Catalina Ventura." Umirap ako sa kawalan bago pumasok sa elevator. But not without shouting back. "Whatever Mister!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD