CHAPTER 2

2490 Words
CHAPTER 2 IRA CELINE MANILA, PHILIPPINES Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan ko. sa NAIA. At natuwa agad ako pagkalabas ko ng eroplano. Feels like home again. Pinuno ko talaga ng hangin ang dibdib ko para damhin ang simoy ng lugar na pinagmulan ko. Saka ibinuga ko iyon. Napangiti ako. Nasa Pilipinas na nga talaga ako. And it's so nice to be back. Matagal-tagal na din ang huling uwi ko dito sa Pilipinas. Tatlong taon na yata ang nakalipas niyon at isang linggo lang ang itinagal ko. Umattend lang ako ng ilang araw na burol saka libing ng tiyahin kong namatay. Pagkatapos ng libing ay agad din akong bumalik ng Canada. Ni hindi ko man lang nasulit ang uwi ko. Bukod sa gahol din sa oras ay may trabaho ding naghihintay sa akin pabalik. Kaya sinabi ko talaga sa sarili ko na if ever mang magkaroon uli ako ng pagkakataon na makauwi ay susulitin ko talaga ang bawat araw. Dahil sigurado akong matagal-tagal pa bago masundan iyon. Matapos kong makuha ang bagahe kong isang maleta lang naman ay mabilis na akong lumabas ng arrival area. Pagkakita ko sa mga tao at sasakyan ay nasabi kong parang wala namang nabago. Matao at matrapik pa din ang Maynila. Ganun din ang klima. Napaka-init. Napakainit na salubong sa akin. Na-miss ko ang ganitong temperatura. Medyo nasanay na kasi akong pabago-bago ang klima doon sa Canada. Na nung una pa ay naninibago pa ako pagdating ng tag-lamig. Parang gusto kong umuwi ng Pinas dahil sa sobrang lamig. Hindi katulad dito sa Pilipinas na dadalawa lang ang klima na kung hindi tag-init ay tag-ulan. And I find it unique. Agad na nag-ikot ang mga mata ko sa umpukan ng mga tao na nag-aabang ng mga kamag-anak na umuwi. Hinahanap ko kasi ang service na magsusundo sa akin na provided ng hotel. Meron na kasi akong hotel reservation kung saan doon ako magsi-stay ng ilang araw bago tuluyang pumunta sa probinsya nina Charina para umatend sa kasal nito. Hanggang sa umagaw sa akin ang isang lalaking kalbo, naka-uniporme polo at naka-shade pa na may hawak ng placard at nakasulat ang buong pangalan ko roon. Nahiya tuloy ako dahil sa nakabuyang-yang ang pangalan ko. At kitang-kita at basang-basa iyon kahit sa malayo. Pero natutuwa din ako sapagkat on time ito. Hindi ko na kailangan pang maghagilap at maghihintay ng matagal dito. Dahil sa totoo lang ay gusto ko nang magpahinga. Ilang oras din nag byinahe ko at may jet lagged pa ako. Agad akong lumapit sa lalaki. Agad din nitong ibinaba ang hawak ng makita ako. "Hello, Ma'am! Magandang araw po. Kayo po si Ms. Ira Celine Hizon?" tanong nito sa akin na binasa pa ang nasa placard. "Malamang! Ako nga, kuya! Hindi naman siguro ako lalapit sa'yo kung hindi ako 'yan 'di ba?" mataray kong saad dito. Common sense na lang kasi iyon pero nagtatanong pa. Nakita kong napakamot sa ulo ang lalaki dahil sa sinabi ko. "Sabi ko nga po. Tama po kayo, Ma'am," anito. "Talagang tama ako. Kaya bilisan mo na, kuya at ako'y pagod na. Gusto ko nang magpahinga," sabi ko. "Sige po, Ma'am pakihintay na lang po ako dito at kukunin ko lang ang sasakyan sa parking." "Pakibilisan po, kuya!" "Okay po," sagot pa nito at mabilis na umalis. Habang hinihintay na bumalik ang driver dala ang sasakyan ay isang tawag ang natanggap ko mula kay Charina. Mabilis ko agad na sinagot iyon. "Hello, Bessy! Nasa Maynila ka na ba?" bungad nito sa akin. Nabanggit ko kasi sa kanya na ngayon ang dating ko mula Canada. Exactly one week bago ang wedding nito. "Yes! kakalapag ko lang ng airport," sagot ko sa kanya. "Hinihintay ko lang ang service ng hotel para ihatid ako." "Hotel?" reaksyon ni Charina na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Yes, hotel, Bessy!" sang-ayon ko "Bakit? Akala ko didiritso ka na dito sa amin pagkadating mo ng Maynila. Naghanda pa naman ako," ani Charina na mukhang nagulat. "Sorry, Bessy. Change of plan, eh! Naisip ko kasi na gusto ko munang sulitin ang Maynila bago ako tuluyang dumiritso diyan sa inyo," paliwanag ko. "Ah, ganun ba?" narinig kong sabi nito na may himig ng pagkalungkot. "Don't worry, Bessy! Darating ako sa kasal mo. Promise 'yan!" assurance ko kay Charina para hindi naman ito ma-disappoint. "Ano pa nga bang magagawa ko?" nasabi na lang ni Charina. "Isa pa ay andito na ako sa Pilipinas kaya sure na makakarating ako diyan kahit na anong mangyare. Sus! Ikaw pa ba? Anlakas mo kaya sa akin. Kaya nga napauwi mo ako ng Pilipinas kahit wala sa plano. Takot ko lang din na magkalimutan tayo," saad ko. "Dapat lang," anito. "Special day ko iyon kaya dapat andun ka para saksihan iyon. I want you to be part of it. Gusto ko ding i-share ang moment na iyon sa'yo, Bessy," ani Charina na naiiyak na sa boses nito. "Umiiyak ka naman," saad ko. "Ano ba 'yan! Sa tuwing magkakausap na lang tayo ay may crying moment ka, noh?" "Anong magagawa ko, eh iyakin 'tong, bessy mo. Pero anyways thank you, Bessy dahil hindi mo ako binigo. Umuwi ka talaga para sa kasal ko." Si Charina. "Wala naman akong choice 'di ba? Saka once ka lang naman ikakasal kaya push na kahit ang laki ng gastos ko ha!" "'Wag kang mag-alala babawi ako pag andito ka na sa amin. Bubusugin kita para sulit naman ang uwi mo," saad ni Charina. "Aasahan ko 'yan. Siguraduhin mong mag-e-enjoy ako." "No problem, Bessy! Basta ikaw." "Oh, siya sige na! Andito na ang service ko," sabi ko rito ng makita ang sasakyang huminto sa harap ko. "Okay, Bessy. Ingat at enjoy ka diyan. Update mo ko lagi. Tawagan mo ko if papunta ka na dito para mapasundo kita," pagtatapos nito. "Noted!" sagot ko saka ko na tuluyang pinutol ang tawag. Nakita kong bumaba ang lalaki at pinagbuksan pa ako ng pinto. Nang makasakay ako ay agad din nitong isinara iyon at muling umikot pabalik sa may driver seat saka mabilis na minaniobra ang sasakyan. Napasandal na lamang ako. Naramdaman ko kasing medyo kumikirot ang sentido ko. Naisip kong baka siguro dahil sa init ng panahon. Napapikit na lamang ako. At hindi ko na namalayan na naka-idlip na ako sa byahe papuntang hotel. ***** "Ma'am!" Naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses na iyon. Agad akong napadilat ng mata. Nagulat pa ako ng makita ang driver mula sa driver seat na nakatingin sa akin. Bigla akong napaayos ng upo sapagkat nakalitaw ang mga binti ko. Naka-dress lang kasi ako at umaangat iyon kapag gumagalaw ako. Hindi ko rin kasi gusto ang tingin ng lalaki sa akin. Basta hindi ako komportable. Feeling ko ay hinuhubaran ako. Dahil dun ay tinignan ko siya ng masama. Hindi talaga ako magdadalawang-isip na ireklamo ito pagnagkataon. Mukhang nakuha naman nito ang ibig kong iparating kaya mabilis naman itong umiwas ng tingin dahil dun. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Hindi ko alam kung kanina pa ba kami roon. Nakahinto na kasi ang sinasakyan ko. Napatingin ako sa labas. At nakita ko ang entrance ng hotel na maya't maya ang bukas dahil sa mga lumalabas at pumapasok. Mukhang andito na yata ako sa hotel. "Andito na po tayo, Ma'am," anang driver at mabilis na lumabas at pinagbuksan ako. Agad na lumabas ako. Napatigil pa ako saglit at tumingin muli sa entrance. Hinintay kong maibaba ng driver ang dala kong maleta. Pagkakuha ko niyon ay dumiritso na ako sa entrance. Agad na bumukas ang pinto dahil sa mga doorman na naroon. Sabay bati pa sa akin ng mga ito. Na tinugon ko din ng isang magandang ngiti. Pagkapasok ko ay sinalubong din agad ako ng bellboy para kunin ang dala kong maleta at in-assist papuntang front desk. Infairness naman natutuwa ako sa mga tauhan ng hotel bukod sa napaka-accomodating ay napaka-attentive pa. Ramdam na ramdam ko talaga ang pagiging VIP. Even the ambience ng hotel ay halata talagang hindi siya ordinaryong hotel lang. Napaka-luxury, classy, cozy at base sa nabasa ko ay five star hotel din ito. Lahat yata ng nakikita ko mula interior ng hotel, maging ang service, pati na ang mga empleyadong paroon at parito na busy sa kanya-kanyang mga trabaho ay halata talagang trainable at mga professional kumilos. Dun pa lang ay halata talagang maganda ang image ng hotel. At mukhang hindi ako nagkamaling dito magpabook para sa ilang araw na stay. Nasa harap na ako ng front desk. Sinalubong agad ako ng napakagandang ngiti ng babaeng receptionist. "Good morning, Ma'am! Welcome to Hotel Trevino. Do you have a reservation?" Ngumiti ako. "Yes" sagot ko at pinakita ko ang voucher at confirmation ng booking ko. "Okay, Ma'am. Wait a minute I will check first your reservation," anang babae. Tumango ako bilang tugon at hinayaan ito. Habang naghihintay sa pagche-check nito ay muli kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Patingin-tingin ako sa mga taong naroon na sa hula ko ay mga guest din ng hotel. Napansin kong karamihan sa mga naroon ay puro mga foreigners. "Excuse me, Ma'am," tawag ng receptionist sa akin dahilan para mapabaling muli ang atensyon ko dito. "Okay na po, Ma'am. You have a confirm reservation under the name of Ms. Ira Celine Hizon. Enjoy your stay, Ma'am," pahabol pa nito saka ngumiti uli. "Okay, thank you!" sabi ko. Finally, makakapagpahinga na din. Gusto kong mag-recharge para makabawi agad ng tulog at ng lakas. Bangenge pa ako sa byahe ko kaya kailangan ko nang matulog. Pagod na pagod na ako. "Drew, pahatid na si Ma'am sa magiging kwarto niya," anang receptionist sa bellboy na nakatayo sa tabi ko at may bitbit ng maleta ko. "Sunod na lang po kayo, Ma'am kay Drew. Siya po ang maghahatid sa inyo sa room ninyo." Tumango ako bilang tugon. At nauna na sa akin ang bell boy. Sumunod na lamang ako dito papuntang elevator. Pinagbuksan niya pa ako at pinaunang pumasok sa loob saka ito pumasok din sa loob. Tahimik lang ako. Wala na ako sa mood makipag-usap pa. Wala pang dalawang minuto ay nakarating na kami sa 9th floor base na din sa nakita kong numero at kung saan huminto ang elevator. Tuluyan lumabas ang bell boy at saka hinintay akong makalabas. Muli ay nauna itong naglakad patungo sa magiging kwarto ko. Nasa likod lang niya ako at nakasunod. Hanggang sa tumapat kami sa isang pinto na may numerong 908. "This is your room, Ma'am," anang bell boy saka binuksan ang pinto niyon gamit ang card key. Bigla na lamang itong natigilan ng pagbukas nito ng pinto. "May problema ba?" tanong ko sa kanya. Nagtaka ako kung bakit ito natigilan saka ako sumilip din sa loob. At ganun na lamang ang disappointment ko ng tumambad sa akin ang bahang-bahang loob ng kwarto. At halos punong-puno na ng tubig roon. Lubog na ang ibang mga gamit at dumaloy na din iyon palabas ng hallway. "Ay ano ba 'yan!" inis kong saad. Mabilis na isinara ng bell boy ang pinto para hindi na tuluyang lumabas ang tubig. Halatang nataranta ito at hindi alam kung anong gagawin. "Ma'am, pasensya na po," anito sa akin na kinakabahan. Sa halip na sumagot ako ay sumimangot ako. Kung saan ba naman naroon na ako sa kwarto ay saka naman nagka-aberya. Kung saan naman gustong-gusto ko nang makapagpahinga ay doon din nagkaproblema pa. At sa totoo lang hindi ako natutuwa sa nangyayare. I am so disappointed. Lalong hindi pwede sa akin ang ganito. Nagbabayad ako ng tama, nang pagkamahal-mahal para sa magandang serbisyo at accomodation nila. Kaya nag-e-expect din ako ng tama at excellent na serbisyo mula sa mga ito. Tapos ganito ang dadatnan ko. Sinong hindi magagalit dahil dito? Mabilis kong tinalikuran ang bell boy saka nagmadaling tinungo ang elevator. Hindi ko na siya hinintay pa. Agad kong pinindot ang button para magsara. Gusto kong magreklamo dahil dito. At kailangan ko ng matinong paliwanag. Ang gusto ko lang naman ay matutuluyan kung saan ako makakapagpahinga pero perwisyo ang ibinigay nila sa akin. Pagkadating ko sa baba ay tumuloy agad ako sa front desk. Wala akong sinayang na sandali. Kailangang may gawin sila roon sa problema. "Hi, ma'am! Anything I can do for you?" nakangiti pang tanong sa akin ng receptionist na nag-assist kanina nang makalapit ako. Seryoso ang mukha kong humarap dito. Salubong na din ang mga kilay ko. At wala na din ako sa mood pa. I'm so tired and sleepy. At ang gusto ko lang ay magpahinga pero na-stress lang ako. "Asan ang manager niyo?" galit kong tanong at medyo malakas ang boses ko. "Kailangan ko siyang makausap ngayon din!" saad ko pa dito dahilan para mapalingon at makaagaw ako ng pansin ng mga taong naroon. Halos umalingawngaw na kasi ang boses ko sa buong lobby. Pero wala akong pakialam sa mga ito. "Bakit po, Ma'am? May problema po ba?" anang receptionist na biglang nag-iba ang timpla ng mukha. Nawala na ang magandang ngiti nito at halatang biglang kinabahan pero pinipilit na kumalma. Maging ang mga kasamahan nitong naroon din sa front desk ay napatingin din sa akin. Pero hindi ko na pinansin iyon. "Ganun ba ang klase ng mga kwarto ang meron kayo dito? Ni hindi niyo man lang chine-check o inaayos bago niyo ipa-occupy sa mga guest niyo? Anong gagawin ko dun magsu-swimming? Ako maglilinis at magtatanggal ng tubig roon? Ha? Ganun ba? Ganito ba kayo mag-serbisyo sa mga guest niyo? Sumagot kayo!" lintanya ko sa mas malakas na boses. Maya-maya ay dumating muli ang bell boy bitbit ang maleta ko. Nagmamadali itong lumapit sa receptionist at may ibinulong. Sa tantiya ko ay malamang ay sinabi na nito ang naabutan namin doon sa kwartong tutuluyan ko sana. Saglit lang na nag-usap ang dalawa at nakita kong may tinawagan ang babaeng receptionist. Hindi ko alam kung ang manager nila ang tinatawagan nito. Pagkatapos niyon ay muli itong bumaling sa akin. "I'm so sorry, Ma'am for the inconvenience," hinging paumanhin ng receptionist sa akin na halatang natatakot na. Nanginginig na kasi ang boses nito habang nagsasalita. "Sorry? 'Yun lang sorry? Ayoko ng sorry, Miss. Ang gusto ko tama at maayos na kwarto na matutuluyan ko. Kaya 'wag niyo kong sasabihan ng sorry. It's your responsibility to double check your rooms. Ayusin niyo ang trabaho niyo!" hysterical ko nang sabi. Nakakapikon lang kasi. Nakakainit ng ulo. At hindi na talaga ako natutuwa pa. Wala nang nasabi ang receptionist kundi ang tumahimik na lamang. Dahil siguradong bungangaan ko lang siya. "Asan na, Miss ang manager niyo? 'Wag niyo akong pinaghihintay!" pagmamaldita ko pa. "Yes, Ma'am! Anything wrong?" anang tinig na bigla na lamang nagsalita. Napalingon ako dahil dun at napanganga ng makita ang may-ari ng boses niyon. Ang cutie!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD