Chapter 2

1292 Words
Sofia: Kinabukasan ay maaga akong pumasok nagpaalam na ako Kay Lola dahil may thesis kaming gagawin ng mga kagrupo ko at di kailangan na namin masimulan ng maaga yun dahil sa byernes na ang deadline at martes na ngayon. Dahil martes ay 10am ang pasok ko pero pumasok ako ng 8:30am to be exact para mas maaga. Naglalakad na ako ng may tumawag sa pangalan ko. Kasalukuyan akong nag aantay ng jeep papasok sa school nagtitipid kasi ako at kaya di ako nag tataxi. "Sofia." Boses ng isang lalaki at kilalang kilala ko ang boses na yon. Si Harold Steve, siya ang lalaking Simula first year college palang ay nanliligaw na saakin at kinukulit ako kahit ilang beses ko siyang binabusted ay ang kulit padin niya at maghihintay daw siya. Mabait naman si Harold pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sakanya. "Oy harold kamusta kana?" Yun nalang ang nasabe ko. Ayoko naman din maging bastos sakanya. Ahead siya saakin ng 1 taon kaya grumaduate na siya last year. "Okay naman ako. Ikaw? Lalo kang gumaganda sofie" sabi niya. Eto nanaman siya di ata ako titigilan neto kaya pinutol ko na ang usapan namin. "Ahehe okay naman ako Harold. Osige na may klase kase ako at malelate nako e bye!" Sabi ko at agad na sumakay ng jeep buti nalang may jeep na. Narinig ko ang sigaw niya na ihahatid niya ako pero nagkuyare lang akong walang naririnig. Sorry Harold alam ko kaseng mangungulit ka ulit. Nasabi ko nalang sa isip ko. Pag pasok ko esaktong 8:45 am na. Nalate ako ng 15mins sa tansya ko dapat kase 8:30am talaga ako kase madami din akong gagawin. Ako nga pala ang Vice President ng student council namin kaya kapag wala si president sakin lahat ng trabaho. Pero okay lang kase palagi ko nakikita si Nikko at lihim niya akong tinitignan. Napangiti nanaman ako na parang ewan ng maalala ko si Nikko. Pumasok ako ng teachers faculty para kunin ang naiwan na mga kelangan Kong gawin agad. Mamaya pa kase pwedeng makapag trabaho si Jane ang President namin. Kaya ako nalang ang gagawa para hindi na siya mahassle dahil may class pa siya ngayong 9am. Pagpasok ko ay nakita ko si Nikko at si Ma'am Ruby na nagtatawanan. Nag good morning ako sakanila at kinuha ko ang mga dapat kunin at umalis agad. Sa totoo lang di ko feel si Ma'am Ruby dahil sa alam kong malaki ang pagkakagusto neto Kay Nikko. Pano ko nalaman? Flashback Ganito kasi yon. Nag C.r ako malapit sa teachers faculty at narinig kong nagbubulungan si Ma'am Danica prof ko sa p.e at si Ma'am Ruby. "Uy Ruby ahh napapadalas na ata yang pag aaya mo kay Nikko lumabas" sabi ni Ma'am Danica. "Aminin mo nga sakin may gusto ka Kay Nikko noh?"dagdag pa neto. Agad na tinakpan ni Mam Ruby ang bibig ni Mam Danica kahit pabulong lang eto at nag blush siya. "Shhhh wag ka maingay Nica baka may makarinig satin" sabi niya. "Umamin ka muna kasi" sabi ni Mam Danica na may halong pilosopo na ang boses. Agad na huminga ng malalim si Mam Ruby at muling nagsalita. "Oo Nica, Di lang gusto. Mahal ko si Nikko" at napangiti siya ng pagkalaki laki. Agad na tumili si Mam Danica. "Bagay naman kayo e ang ganda ganda mo kaya at pati mga kalalakihang studyante mo nahuhumaling sayo." At agad silang nagtawanan. End of flashback Naalala ko nanaman at naiinis nanaman ako. Bakit kase ang gwapo gwapo ni Nikko eh halos lahat nga ng mga babaeng studyante dito crush siya haaaay Nikko. 5pm na at natapos na namin ang unang parte ng thesis. Sa totoo lang kanina ay hindi ko masyadong tinignan si Nikko habang nagkaklase siya. Naiinis ako sakanya dahil nakikipagtawanan siya kay Mam Ruby. E obvious naman na malaki ang pagkakagusto sakanya neto. Lagi ngang nagpapasama sakanya sa mga projects sa ibat ibang school kahit na di naman dapat pa isama si Nikko ko hay kainis. Inaayos ko na ang bag ko at inayos ko nadin ang ilang gamit sa thesis namin at ilalagay ko sa teachers faculty. May locker kase dun na pwede mo iwanan ang mga projects para di na hassle pa uwe basta may padlock ka para di mawala. Well di naman talaga mawawala yun e para secure lang. Pagtapos ko sa faculty ay nagpasya akong uuwe na pero nag c.r muna ako sandali sa ground floor ng school. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Mam Ruby naglalagay ng make up. Nagmemake up pa e pauwe nadin naman hmp kainis. Wala ako nagawa kundi ang igreet siya. "Hi Mam." Sabi ko. Tulad ng dati ay snabera talaga siya lalo na pag di naman niya ganon kakilala. Naasar talaga ako sakanya pero di ko pinahalata. Pumasok nalang ako sa cubicle kase I need to pee. Narinig kong may kausap si Mam sa cellphone niya. Di ko naman ugaling makinig pero narinig ko ang pangalan ni Nikko. "Hi Nikko, ahm tumawag pala ako sayo tatanong ko lang kung okay lang ba sabay na tayo umuwe?" Sabi ni Mam Ruby. Sinadya ko talagang magtagal sa loob para marinig ko pa ang sasabihin niya. "Ahh ganun ba" Halata ang pagkakadismaya sa boses niya. Natuwa ako dahil alam kong tinanggihan siya ni Nikko. Ng muling magsalita si Mam. "Okay. Sa Sat ha wag ka mawawala." At tumatawa si Mam. Sa inis ko ay agad na akong tumayo nag ayos at umalis sa c.r. Hindi ko nadin pinansin si Mam Ruby dahil Busy siya sa pakikipagusap Kay Nikko. So may balak pala silang magkita sa Saturday ahh nakakainis ka Nikko hindi talaga kita papansinin. Habang naglalakad ako ay may tumatawag sa phone ko. Alam ko ng si Nikko to kaya sinilent ko nalang at naglakad nako palabas ng school. Di ako magpapahatid sakanya. Magcocommute ako sa inis ko. "Oy Sofie andyan ka pa pala" sabi ni Lesly nagkasalubong kami sa gate ng school. "Oh bakit di kapa uuwi? May nakalimutan ka sa loob?" Sagot ko naman sakanya. "Oo e nakalimutan ko yung payong ko sa C.r ng ground floor e osige na alis nako ha ingat ka" sabi niya at dali daling tumakbo papasok sa school. "Hay nako Lesly ang burara mo talaga" nasabi ko nalang at napangiti ako. Nakakatuwa kasi yung kaibigan ko laging may nakakalimutan. Nakauwi na ako sa bahay at sa sobrang pagod ko ay hindi na ako nakakain dahil dumeresto na ako sa taas sa kwarto ko. "Iha di kaba kakain?" Tanong ni Lola . "Kumain na po ako sa labas Lola kasama ko po sila Lesly at Sarah" pagsisinungaling ko nalang para di naman makahalata si Lola. "Osige na apo mukang pagod ka sa school magpahinga kana bukas pagluluto kita ng paborito mo" at agad ako humalik sa pisnge ni Lola at pumasok nako ng kwarto ko. Humiga agad ako sa kama at napatitig nalang sa kisame. Ng bigla kong maisip si Nikko. "Hay Nikko nakakainis ka talaga" sabi ko nalang sa sarili ko. Oo kinakausap ko na sarili ko si Nikko kasi nakakainis. Tumayo ako para magshower dahil sa ang init ng kunin ko ang bag ko at nakita ang cellphone ko 67missedcalls omg napanganga ako at naalala ko na tinatawagan nga pala ako ni Nikko. 37messeges galing yung ilan kila Sarah at Lesly at halos lahat Kay Nikko. Nagtext nalang ako sakanya na nakauwe na ako para di na siya mangulit. At nakita ko nagring nanaman ang phone ko kaya pinatay ko to. Dumeretso nako sa banyo at nagshower. Nagemote emote pa ako sa loob at naalala ko nanaman kung anong meron sa Saturday. "Haaaay" nasabi ko nalang. Pagkatapos ko magshower ay nagsuot na ako ng pantulog at natulog na ako. Di ko feel pumasok bukas kaya di ako papasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD