Kabanata 13: Kiss....mark? Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Eros ng maramdaman ang maliit katawan na yumakap mula sa likuran niya. "Sorry..." "Don't do that anymore." Muling bumalik sa isip ni Eros ang nangyari kagabi at para siyang masisiraan tuwing naiisip na paano kung hindi niya ito pinuntahan? Hindi niya mapapatawad ang sarili niya 'pag nangyari 'yon. Inaalam na niya ngayon ang nasa likod ng nagmanipula sa kotse ng kasintahan at nawalan ng brake. "Promise po hindi na talaga 'wag ka ng magalit ah?" Humarap siya sa dalaga na naka-puppy eyes at nakanguso sa kanya. "Hindi ako galit, nag-aalala ako para sayo. Hindi ko hahayaang mapahamak ka," hinawi niya ang maiksing buhok na tumatabing sa mukha ng babaeng mahal niya. Mas lalong yumakap sa kanya ang dalaga na kinangiti

