Kabanata 17: Master Lord of the Mafia World & King of the Gangster World. Eve Henderson's Point Of View Inayos ko ang black cap ko at inangat ng konti. Nasa Gangster Lair, ako ngayon kasama si Aki, Rage, at Yuan. "Yari talaga kami kay Master kapag nalaman ito!" Kanina pa sila bulong ng bulong, siguro na-trauma sa sapak ng Master namin hahaha. 'Di ko naman sila dapat isasama kaso ang hirap nilang iligaw. "Bakit ba gusto mong pumunta dito? H'wag mong sabihin na gangster ka?" Biglang tanong ni Yuan na bilog na bilog ang mata. "Gutom lang yan, Yuan..." irap ko dito at para silang nakahinga ng maluwag, parang napakalaking isyu kung gangster nga talaga ako. 'Di ko na lang sila pinansin at nilibot ang mga mata ko sa alon ng mga gangsters, sa tantya ko'y lampas tatlong daan katao ang mga nar

