"She wears strength and darkness equally well, this girl has always been half goddess, half hell." -Poetry and Story Kabanata 44: Come closer. Play with my Chaos. "He didn't kill your family.." Napatigil ako sa pagpu-push ups ng sabihin niya 'yon. Binaba niya ang hawak niyang diyaryo. Pinagpatuloy ko ang pagpu-push ups ko at 'di na nagtanong pa. Tumigil na'rin ako ilang saglit pa at umupo sa tabi niya sa sofa, pinunasan niya ang pawis ko kaya napangiti ako. Tinitigan ko ang seryoso niyang mukha. Dahil 'yon ang sinabi niya, 'yon ang paniniwalaan ko. Naniniwala ako. "Hey, introduce mo naman ako sa asawa mo.." saglit kong sinulyapan ang kasama ko. Si Francisco. A ruthless Mafia Boss of Italy. He's a she. Mukhang babae at di mo aakalain na adonis pala, pero hindi siya transgender.

