Kabanata 35: Slay, Eve! Eve Henderson's Point Of View Napasulyap ako sa hubby ko na seryoso ang mukha habang binabagtas namin ang Underground Base dahil sa pagkakaroon ng biglaang pagpupulong at alam ko na may hindi magandang balita ang nakaabang na malalaman namin. Naging tahimik lang ako sa buong byahe dahil alam ko na kailangan niya ng katahimikan para makapag isip. Sinabit ko ang kamay ko ng pagbuksan niya ako ng kotse. Nagbigay galang sa amin ang lahat, kung sa ibang pagkakataon ay ibabalik ko ang pagbati nila pero hindi ngayon. Pumasok kami sa elevator at pinindot niya ang UB. Pinigilan ko na mapanguso dahil sa katahimikan na bumabalot sa amin. Saka na ako mag sasalita kapag kinausap na niya ako. Nang bumukas ang elevator ay may mga nakaabang na tauhan sa bawat gilid. Naalala k

