Kabanata 38: Their Downfall PART ONE Tila nakikipagkarerahan kay kamatayan si Eve sakay ng kanyang motor na matulin ang bilis, hindi na mawawala ang paghabol ng mga pulis dito na pinagsasawalang bahala niya. Sa likod ng suot niya'ng helmet ay napangisi siya at may kung ano'ng kinang ang makikita sa itim niyang mga mata. Huminto siya sa lokasyon na ibinigay ng kung sinuman sa'kanya, hindi niya sana ito bibigyan ng pansin kung hindi lang may ipinadalang mga litrato ng tatlong lalake na pamilyar at malapit sa'kanya. Inalis niya ang kanyang helmet at hinarap ang mga nakaabang sa'kanya na mabilis siya'ng sinugod pero walang hirap niya itong mga napapatumba. Hindi siya umilag sa tatlong umatake na naging dahilan ng pagbagsak niya sa semento at nalasahan ang sariling dugo na bumulwak sa labi

