Nakasuot ako ng pantalon at bota kagaya niya. Hindi daw kasi puweding magsuot ng bestida kagaya ng suot ko dito sa loob ng bahay dahil maraming lalaking makakakita. Napanguso ako habang nakatingin sa mga damit ko. "Hindi naman siguro pag- aari 'to ng ex mo 'no?" tanong ko sa kaniya. Pinasadahan niya ng tingin ang kasuotan ko at hinapit ang beywang ko papalapit sa kaniya. He kissed the top of my head. "Of course not, that's from my sister," he answered me. Umismid ako. "Talaga? May kapatid kang babae? Bakit hindi siya pumupunta dito?" sunod- sunod kong tanong. "Yeah, younger sister. She's in the US, attending her school," sabi niya. Wow, ang sosyal naman. Ang iba hindi man lang ma- afford ang college tapos siya sa US nag- aaral, iba talaga kapag anak ng mayaman. "Ang taray naman,"

