Maria’s POV Matapos siyang marinig na tawagin ako ay kinakabahan ako ng husto. Sigurado na ba talaga siya na ipapakita niya ang mukha niya sa ‘kin ng malapitan? Ang totoo, higit pa pala siya sa inaasahan ko. Huminga ako ng malalim saka siya binalak na puntahan, binuksan ko ang pinto ng dahan-dahan. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko, hindi ko mapigilan. Noon lang nakikita ko lang siya mula sa malayo dahil nakikita ko siyang nakasilip mula sa bintana niya. Ngayong umaga, hindi ko inaasahang makikita siya. Kakatapos niya lang din maligo. Nagulat nga ako ng makakita ng liwanag sa kwarto niya, akala ko nagkasala ako ng malaki. Ang ganda pala talaga ng kwarto niya. Nayuko ako sa unang tapak na ginawa ko papasok sa kwarto niya. Napalunok ako ng malaki. Parang hindi ko kaya. I closed my eyes.

