Maria’s POV Ilang araw na matapos ang pangyayaring ‘yon. Akala ko magiging malapit na kami sa isa’t-isa pero do’n ako nagkakamali dahil hindi na niya ako pinapasok sa kwarto niya. Palagi na naman siyang galit na parang may ginawa akong mali. Nakalabi ako habang naglalakad patungo sa labas ng bahay. Dahil wala akong magawa ay naisipan kong magtungo sa garden ng bahay na ito. Madami akong nakikitang mga bulaklak kaya naisipan kong maglinis at manguha ng mga damo. The landscape was good, hindi lang talaga naalagaan ng maayos. Huminto ako sa tapat ng mga nagbubukad na mga bulaklak. Saring-saring kulay pero meron din naming nakalbo na. nagsuot ako ng gloves. Nagbungkal ako ng lupa sa para palibotan ang mga puno ng bulaklak. Binubot ko rin ang mga damong ligaw. Sa ilang oras kong paglilinis d

