Sa mga sumunod na araw ay nagpatuloy ang paglabas- labas namin. Lagi din akong sumasama at ngayon at tutungo kami sa taniman daw ng mga kamatis at talong. Sa ngayon at hindi kami sasakay sa kotse. Maglalakad lang kami dahil hindi naman daw gano'n ka layo. "Tutulong tayo mag- harvest?" tanong ko sa kaniya. He is holding my hand. 'Yong tipong hindi siya mabubuhay kung hindi hawak ang kamay ko. He smiled at me, "Yup! You like that?" he asked. Kuminang ang mga mata ko. I nodded my head, "Syempre naman!" tugon ko, kasabay no'n ang pagkinang ng mga mata ko dahil sa excitement. Hinila niya ako papalapit sa kaniya. He wrapped his arm around my shoulders. "My baby, likes to be a farmer. Then, let's be a farmer," sabi niya sa 'kin. Natawa naman ako sa tono ng boses niya, 'yong parang lahat

