Chapter 1

1544 Words
Chapter 1: The Famous Bachelorettes 2.0 Garielle Clegg's POV "What is going on here?! Ano na namang problema niyo?!" natigil kami ni Kuya sa pagbabangayan. Binato ko rin sa sofa yung mga unan na pinanghahampas ko kay kuya. Sino ba namang hindi magagalit? Sige nga! Ang tinu-tino na ni Emily! She's definitely a catch. Tapos nagawa niya pang lokohin?! What the hell! "Eto po kasing si kuya, mama eh! Ang tinu-tino. He cheated on Emily. Kung kani-kaninong babae sumasama. Sige nga kuya! How can you do that to Emily? Ganon din ba siya sa'yo?! Akala ko pa naman ang talino mo!" sa gigil ko naibato ko pa yung bato na naka-display sa may center table namin saka ako pumanik sa taas. I really hate him! Bakit ganun siya?! Bakit niya nagawa kay Emily 'yon?!  Pagpanik na pagpanik ko sa taas. Inayos ko agad yung sarili ko. Nagbihis na rin ako para makaalis muna sa bahay na 'to. Hindi ako makikiramay sa kuya ko na nang dahil sa katangahan nasira yung relasiyon nila ni Emily. At anong ginagawa niya ngayon? Pinababayaan niya yung pag-aaral niya. Wala akong idea kung bakit nagkaganito si kuya. Basta bigla na lang--boom! Nagbago siya. Kahit si Bellona hindi alam yung dahilan. Mabibigat ang mga yabag kong akong bumaba saka ko pinaulanan ng matatalim na tingin si kuya na kinakausap ni mama. Wala akong panahon pagmasdan pa yung pagmumukha niya! "Garielle! Where are you going?!" Aba! May gana pa talaga siyang sigawan ako?! Humarap ako sa kanya saka lumapit ng marahas. "I've never been this angry Eugene. Mas galit ako sa ginawa mo kaysa sa ginawa ni Uno sa ating magkakaibigan non. Pasalamat ka 'yan pa lang yung inabot mo!" Tumalikod na ko para umalis pero mabilis siyang lumakad papunta sa akin at hinablot yung braso ko. "You're not going anywhere." Inikom ko yung bibig ko saka ko marahas na tinanggal yung braso ko a pagkakahawak niya. "Magkikita kami nila George. I'm going to the coffee shop. Sa coffee shop ng siraulo mo ring kaibigan! Pare-pareho kayo!" Tapos non nagtuluy-tuloy akong lumabas. Hindi ko na pinansin si mama na humahabol sa'kin. Dali-dali akong sumakay sa kotse ko at pinaandar na papuntang coffee shop. Yeah, here we go again. Wala na yatang chance pa para magkaayos pa kami ng grupo nila kuya. George and Zach? They are stable. Pero mukhang nagkakalabuan na dahil hindi na sila madalas magkita at pansin naming may bagong kasama si George. He's handsome pero wala sa level ni Zach. Co-model niya rin yata. Si Joey at Ashton? Matagal na silang break. Pagkatapos ng second sem namin for first year college they decided to separate. I don't know. Maybe things didn't work out between them pareho siguro nilang hindi maintindihan yung gusto ng isa't isa. Ganun din yung nangyari kay Alexandria at kay Jace. After a week na mag-break si Joey at Ashton. Sumunod silang dalawa. Si Alexandria yung nagdesisyon na makipag-break kay Jace. Sinabi niya kasi noon sa'min na ramdam niya pa ring mahal pa rin ni Jace yung Ex niya. Kinumpirma naman namin kay Jace 'yon without Alexandria knowing, ang sabi niya si Alexandria talaga ang mahal niya. Maybe nai-insecure lang si Alexandria sa Ex ni Jace kaya ganon. Hindi niya rin kinaya. Bellona and Duke were great. Sila na lang yata yung hindi pa natitibag sa'min. I don't know. Baka kasi after nung incident nung highschool kami mas tumibay sila. I envy them. Kami ni Brick? Damn. I don't want to talk about it. And now, eto namang sila Kuya Eugene at si Emily. Sometimes I'm asking myself. How did this happen? Ok naman kami dati eh. Pero bakit biglang nagkaganito? "Finally. Akala ko hindi ka sisipot." Sabi ni Emily, langhap ko pa yung alak na nanggaling mula sa bibig niya. Gabi na. Sigurado akong nakainom siya. Napailing ako bago ako umupo sa tabi niya. "Nandito na nga ako 'diba? Bakit kasi dito pa tayo nagkita-kita? Alam niyo naman nasa block list ko yung lugar na 'to." Sabi ko sabay irap. Kumaway naman ako kay June nang makita ko siyang may hawak na menu list. Ngumiti ako saka kinuha 'yon mula sa kanya. "Long time no see, Ms. Clegg." Masaya niyang bati. Ngumiwi na lang ako saka tumingin sa menu. "Bigyan mo kami ng black coffee. Yung sa isang 'to 'wag mong lalagyan ng corn syrup. Para mawala yung tama." Sabay binalik ko sa kanya 'yon. Pinisil niya naman yung pisngi ko bago umalis. "So what happened? Bakit nagkaganito na naman 'tong babaeng 'to?" "Elle, kailan ka pa nagseryoso ng ganito?" tanong ni Alexandria habang hinihimay-himay yung tissue na nasa harap niya. Ngumisi ako. "Ikaw Rhia? Kailan ka pa natutong magkalat. Stop that. Nakakairita sa mata yang ginagawa mo." Umirap naman ako sabay nag-de quarto. "Kanina pa namin kasama si babes. At kanina ka pa rin namin tine-text. Bakit ngayon ka lang?" sabi ni Joey habang nakataas yung paa sa lamesa. Nilingat-lingat niya pa yung leeg niya saka pinagpalit yung pwesto ng dalawang paa niya. Napalingon naman ako sa bintana nung coffee shop at saktong kadarating ni Duke at ni Bellona. Bumaling ulit ako sa kanila. "Kailangan ba talagang ako yung tanungin niyo niyan? Look who's coming." Sabay lingon ng tatlo sa pinto ng coffee shop kung saan kapapasok lang ni Duke at Bellona. "'diba ang unfair naman kung ako lang yung kakastiguhin niyo ng ganito samantalang mas nauna pa ko kay, Belle?" Pagkatapos non nakita ko nang umupo si Bellona at Duke sa tapat ni Emily. "Kanina pa kayo?" tanong ni Bellona habang nilalapag niya yung bag niya sa lap niya. "Obviously, Belle. Kanina pa kami sa bar kasama 'tong si Em at pagkatapos niyang magwala dun sa bar na 'yon. Humanap kami ng pinakamalapit na coffee shop at eto lang yung malapit kaya dito na lang kami pumunta." Paliwanag ni Georginia habang nagte-text sa cellphone niya. "Here's your order ladies." Sabi ni June habang nilalapag yung mga inorder ko. Tumayo naman si Duke para sumama muna kay June. Malamang baka pupuntahan si Brick. Ang galing din ng isang 'yon. Alam niyang nagkakagulo dahil sa mga kaibigan niya hindi niya pa nagawang tumulong? Great. "What did just happened girls?" pumiyok naman yung boses niya habang nanlalambot siyang nakadukdok sa lamesa. "Malay ko, Em. Basta sa ngayon lang ang gusto namin magpahinga ka muna sa bahay niyo. Dahil kung ganyan ka ng ganyan walang mangyayari. Ok?" sabi ni Bellona. Pinaglalaruan ko lang ng mga oras na 'yon yung cellphone ko. Nagdadalawang isip kung tatawagan ko si Kuya o hindi. Hindi ko kasi sigurado kung sa gagawin kong pagtawag na 'yon sa kanya pupuntahan niya ba si Emily. Baka mamaya balewalain niya lang yung tawag ko dahil sa ipinapakita niyang pagka-"fall out" na kay Emily. Bakit ba kasi na-fall out pa siya sa isang Emily Rodriguez? Anung dahilan niya? "'wag mo nang balakin. Hindi makatutulong." Seryosong sabi ni Joey sa'kin. Hininto ko naman yung pagtatapik non saka ko ipinasok sa bag ko. Nagkibit balikat na lang ako saka ko ininom yung black coffee na nasa harap ko. Si Bellona naman ngayon yung umaasikaso kay Emily at pilit pinapainom yung black coffee kay Emily na pilit niya namang tinatabig. "Excuse." Sabay-sabay naman kaming napalingon sa kanya. Ang tagal din ng pagkakatitig ko sa kanya sabay ibinaling ko na sa iba yung titig ko para kunwari hindi ko siya napansin. Two months ko siyang hindi nakita. Eto ako. Maganda pa rin, kayang dalin yung sarili. Siya ba? Mukhang nalulugi na sa negosyo. Pero ang balita ko malakas pa rin naman 'tong coffee shop at ang alam ko siya na yung may-ari nito. Yeah. May balita pa rin ako kahit papano. Inaaraw-araw ba naman ni June yung pagtawag at pagbabalita sa'kin. Hindi ko naman pinakikialamanan 'yon. Actually, pagka-text pa lang at pagkabasa ko dini-delete ko agad. Ano namang pake ko? "Yes?" mataray na sagot ni Georginia nang harapin niya si Brick. Poker face pa yung expression ng mukha niya. "What's happening here?" tanong pa niya. Galing. Pinipilit niya bang magmukhang concerned pa rin sa'min kahit na matagal na niya kaming tinalikuran at itinuring na hindi nakilala kahit minsan? "Why are you asking? What's your pakialam ba?" maarte pa ulit na sabi ni Georginia. Ngumisi naman ako saka tumayo. "He's worried, George. Can't you see? At sa sobrang paga-alala niya mas lalo lang akong namumuhi sa kanya. Galing no? Kung kailan wala na dapat siyang pakialam don pa siya nagpapaka-OA. Magc-CR muna ako. Nasusuka na ko sa nakikita't narinig ko." Sinukbit ko yung bag ko sa shoulder ko saka ako nagpaalam na magc-CR muna. Bitter na kung bitter. Ano bang pakialam niya? "Do you really want us to go this far?" napahinto ako sa paglalakad ko. Malalim akong bumuntong hininga saka ko pinilit na ngumiti at humarap sa kanya. "You are already far, Reynolds. 'diba eto naman yung gusto mo? Ang layuan kita? Now, I'm doing it. Aren't you happy? Mukha ka namang masaya eh. Tsaka pwede ba sa susunod 'wag mo na kong kakausapin? Baka kasi hindi ko na mapigilan yung sarili ko. Maipapatay pa kita." Tumalikod na ulit ako. He wanted me out of his life. Eto na nangyari na. Bakit niya pa ko nilalapitan? Akala niya ba makukuha niya pa ko ulit sa mga paseryo-seryoso niya? No way! Kahit sino man sa kanilang magkakaibigan hinding-hindi na ulit kami mapapa-say yes, say yes, cause I need to know~ Siyempre maliban kay Duke. Pero iba na kami sa dati. Yung dati kasi version 1.0 lang ngayon we are The Famous Bachelorettes Version 2.0.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD