Halos lumabas ang puso ko sa dibdib dahil sa bilis ng t***k niyon. Pakiramdam ko ay nangimi ang aking mukha at maging ang aking tuhod ay nanginginig sa takot. Gayunpaman hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na maayos ang anak ko. “D-Doc?” Hindi ko magawang tapusin ang gusto ko sanang itanong. Seryoso na tiningnan ako ni Doctora. “I will request an ultrasound scan to check your baby.” Tumalikod siya at buhat sa maliit na siwang ng kurtina ay nakita kong may mga kinausap siyang nurse. Gustong-gusto ko nang malaman kung okay pa ba ang baby ko. Kaya lang ay wala akong magawa. “Kayo po ang partner ni Miss Ramos?” Naulinigan ko ang boses ng isang nurse na papalapit sa pwesto ko. Hindi ko naman siya makita dahil sa nakaharang na kurtina. “I’m her fia

