I was overwhelmed by the outpouring of support from Damian's family when they found out I was pregnant. Ang tanging ikinababahala ko lang ay ang Daddy niya na hindi ko alam kung ano ang iniisip. Bagamat nakangiti ay nahuhuli ko ang kakaibang mga tingin niya sa amin ni Damian. Pagkatapos kumain ng hapunan ay tumayo siya at hindi ko na namalayan kung saan nagtungo. Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan nang tumunog ang cellphone ni Damian. “Excuse me. I need to answer this call,” paalam niya bago tumayo at naglakad palayo sa amin habang hawak ang cellphone. Base sa narinig kung pakikipag-usap niya sa nasa kabilang linya ay nahulaan ko nang si Rose iyon. “My son is always busy. I sincerely hope that you'll be fine with it. Magiging kahati mo sa oras ang nego

