Lumipas ang mga araw at kasabay noon ang paglalim ng nararamdaman ko para kay Damian. Gayunpaman, patuloy na naging bulag siya sa damdamin ko para sa kaniya. Ilang linggo na ang nakakalipas pero wala pa ring nababanggit ang Lolo Milo sa kondisyon niya kay Damian. Marahil kapag nanganak na ako ay saka niya tuloyang tutuparin ang pangako kay Damian na ipaubaya sa kaniya ang pagpapatakbo ng Millenia. Ang totoo ay ipinagpapasalamat ko pa nga iyon dahil nakakasama ko pa si Damian. Oras na makuha na ni Damian ang Millenia ay pihadong ang paghihiwalay na naming ang kasunod. Sa ngayon, susulitin ko muna ang mga araw na asawa niya ako. Kahit papaano ay kuntento naman ako sa sitwasyon namin. Hindi na namin napag-usapan ang namagitan sa amin sa hotel at hindi na rin iyon naulit pa. Nakabalik na rin a

