Mula sa malayo ay naririnig ko ang mga boses. Tinangka ko silang tawagin ngunit isang ungol lang ang tangi kong nagawa. Unti-unting lumalapit ang mga boses hanggang sa naaninaw ko ang pinagmulan noon. Pagbukas ko ng mga mata ay tumambad sa akin ang ilaw buhat sa kisame ng pasilyo na dinadaanan ko. Nasaan na ba ako? Anong nangyari? Bakit ako nandito? Naramdaman ko ang pananakit ng buong katawan. Ang anak ko! Awtomatikong tumaas ang kamay ko para damhin ang tiyan ko. Agad ang pagguhit ng sakit ng aking katawan sa munting kilos na iyon. Mula sa nanlalabong mga mata ay naaninaw ko ang mga tao na nakapwesto sa tigkabila kong tabi. Humahangos sila habang itinatakbo ang kung ano mang hinihigaan ko. Anong gagawin nila sa akin? Noon ko napansin ang mga apparatus na nakakabit sa akin. Muli kong nara

