Nakita na naman ni Cielo na tulog na naman ito. Napapa – iling na lamang siya. Hinahayaan na lamang niya ito, hindi naman niya schedule ngayon na pumunta sa faculty nila ngayon, tatambay na lamang muna siya rito. “Anong oras na ba?” Bigla na lamang niyang narinig itong magtanong kaya napabaling na lamang ito sa upuan ni Julie ngayon. Nakita pa niyang kinakapa – kapa pa nito ang phone nito sa desk. “Ah, maaga pa naman, masyado yata akong natagalan nakauwi kagabi.” Napasabi na lamang nito. Is she half – asleep? Napapatanong na lamang sa kanyang isipan noon, maya – maya pa’y mahimbing na nga itong nakatulog sa desk. Siya nama’y tinitingnan ang phone niya ngayon. Dumaan bigla sa newsfeed niya ang isang video noon. Naka – headset siya ngayon, kaya siya na lang ang nakaririnig. Naririnig

