Napakamot na lamang si Raymond ngayon, ang tanging naabutan niyang napaupo si Nicole at alam niyang nabagok ang ulo nito sa desk na nandoon. Napabuntong – hininga na lamang siya. “What exactly, happened Joel?” Napatanong na lamang niya sa pinsan niya ngayon nasa office ito. “Pwede ba’ng huwag mo muna akong disturbuhin ngayon?” Tanong pa nito sa kanya na matalim siyang tinitigan. Tinapik na lamang siya ni Cielo at umiling na lamang. “Hayaan mo muna siyang tapusin iyang ginagawa niya, Raymond. Tulungan na lang natin, huwag muna iyang pakialaman.” Tanging sabi ni Cielo sa kanya. Napabuntong – hininga na lamang siya. Lunchbreak nila ngayon. Alam naman niyang abalang – abala ito dahil may hinahabol nga itong deadline sa pagpasahan nito. Kaya, iindahin na lamang niya ang kasungitan nito n

