LIV

1542 Words

“Nicky!” Masayang tawag ni Julie sa kanya. Nilingon naman niya ito. “Balita ko’y napasali ka raw sa all – girls competiton?” Tanong pa nito sa kanya. Tumango na lamang siya. “Hindi ko naman talaga iyon inaasahan.” Napakamot na lamang siya. “Naks! Go for it!” Tinapik pa siya nang malakas noon. “Salamat.” Ngumiti siya rito. “Si Ate Kelly nga iyong magiging leader namin.” Balita naman niya rito. “Talaga? Naks naman! Kaya naman talaga niya iyon.” Tuwang – tuwa pa nitong sabi sa kanila. Ngumiti na lamang siya, nakita niya silang Raymond, madalas talagang nagsasabay na itong pumasok, masaya pa itong nakikipagkwentuhan. “Hoy, good morning.” Bati na lamang ni Raymond sa kanila. “Anong good sa morning?” Tanong pa ni Julie na nang – aasar na naman rito. Napailing – iling na lamang siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD