Tahimik lang si Nicole noon na nag – aantay sa classroom nila, maaga ang kapatid niyang pumunta sa paaralan dahil may aasikasuhin pa ito ngayon. Antok na antok pa siya noon. May narinig siyang yabag. “Hey, you are so early.” Tanging sabi pa ng boses na nasa pintuan, kaya nama’y napalingon siya, nakita niya si Joel na naglalakad patungo sa kanya kung nasaan siya ngayon. Napatitig na lamang siya rito. “Ah, o—oo, maaga kasi si kuya pumunta sa school.” Napasabi na lamang niya. Napatango na lamang ito at nilagay ang gamit nito sa upuan nito. “It’s only 6:10 am.” Tanging sabi nito sa kanya. Napakamot na lamang siya noon. “H – Hindi ka pupunta sa office?” Tanong pa nito sa kanya. “Nope, hindi turn today.” Sabi pa nito sa kanya. “Bakit napaaga ka?” Tanong pa niya kay Joel. “Well, it’s my

