Bakit ko ba kasi iyon nasabi kahapon? Napapatanong na lamang sa isipan ni Julie ngayon. Naikwento niya sa kanyang kuya ang nangyari kahapon sa kanilang dalawa ni Nicole. “Ha! Ang bobo mo talaga Julie!” tanging bulalas niya ngayon, galit siya sa kanyang sarili. “Kung kaya ko lang lunurin sarili ko ngayon!” Napabuntong – hininga na lamang siya. Alam niyang iniiwasan siya ngayon ni Nicole. “Bakit ba kasi? Hindi mo napigilan iyang bibig mo kahapon.” Bigla niyang napansin na may tao, kaya napatingin na lamang siya kung sino iyon, nakita niya si Cielo na nakikinig sa kanya. Gaga! Napasabi na lamang sa kanyang isipan. “K – Kanina ka pa riyan?” Tanging napatanong na lamang niya rito. Pumasok ito na walang salita. “Akala ko sinong kausap mo.” Hindi nito sinagot ang katanungan niya. Dir

