Nabalitaan iyon ni Nicole ang nangyari kina Julie at Cielo. Eh? Okay lang ba talaga ang babaeng iyon? Napatanong na lamang sa kanyang isipan. Napabuntong – hininga na lamang siya. Nasa kwarto siya ngayon, wala ang kapatid niya ngayon sa kanilang tahanan, dahil may nilakad pa ito ngayon. Tahimik ang kanilang tahanan ngayon. Ang ina rin niya’y wala ngayon dahil may urgent itong meeting sa opisina nito. Kaya nama’y napaupo na lamang siya sa kanyang hihigan. Bigla – bigla na lamang sumusulpot ang masasamang alaala niya noon. Bigla – bigla siyang kinakabahan. No, No, wala na ang taong iyon, Nicole. You’re okay. Napasabi na lamang sa kanyang isipan, kinukumbinsi niya ang kanyang sarili noon para baliwalain ang alaalang iyon. Ngunit, unti – unti itong bumabalik sa kanyang memorya. Hanggang

