Panay buntong – hininga ngayon si Julie, isa pa’y wala ang mga kaibigan niya ngayon, dahil nagsabay na ngayon ang competition na sinalihan ng dalawa. Sanay naman akong mag – isa, pero kapag nakasanayan mo talagang palagi silang nasa tabi mo, ang tahimik ng buhay ko. Napasabi na lamang sa kanyang isipan. Isa pa’y excuse ang mga ito sa quizzes. Wala siyang makausap ngayon, dahil wala rin ngayon si Jason. Bakit ba kasi nawala sila nang sabay – sabay? Napatanong na lamang niya ulit sa isipan niya. Napabuntong – hininga na lamang siya. Pumasok silang Cielo at kasunod si Dennis, may dala – dala itong mga activity sheets. “Wala si Ma’am ngayon, sa first and second period, but they have an activity here.” Pinakita pa nito ang activity noon. “I will collect them after recess, kaya don’t blame

