Naririnig ni Kelly ang buntong – hininga ni Julie ngayon, nandito sila sa dance studio ng Villanueva, madaling tinapos ni mga lalaki ang steps noon, kaya, kaagad silang nag – insayo, kasama si Julie noon. “Okay ka lang?” Tanong pa niya rito. “Ayoko na.” Tanging sabi pa nitong naghalumbaba at nakakunot ang noo. “They’re so strict! Di naman ako dancer.” Reklamo naman nito sa kanya. Mahina lang siyang napatawa sa mga banat nito ngayon. “Ano ka ba, alam kong matutunan mo kaagad iyon.” Pagpapalakas loob niya rito. Isa pa’y mahirap pagsabayin ang pagsayaw at pagkanta. Napasabi na lamang niya sa kanyang isipan. Sanay lang siguro silang Melody at si Melissa noon, dahil nanggaling ito sa music theatre na kung saan, ang pagkanta ay sabay rin sa pag – acting nito. Napasabi na lamang sa kanyan

