Nahihiya pa rin si Julie na pumasok kung saan nag – practice ang mga dancers, nandito lang siya sa bench, malapit din kung saan nag – practice ang mga ito. Isa pa’y practice din silang Melissa sa threatre, kaya nama’y siya lang mag – isang nakaupo na nag – aantay sa kanyang kapatid ngayon. Nag – scroll naman siya ng kanyang newsfeed, may mga short video clip at may data naman siya kaya nanonood lang siya para matanggal sa kanya ang pagkabagot niya ngayon. Hindi rin siya hinayaang umuwi nang mag – isa ng kapatid niya. Nakinig na lamang siya ng kanta sa headset niya. Napapakanta na lamang siya noon. “Ngayon ko lang ulit narinig ang boses mo.” Nabigla na lamang siya sa pagsulpot ni Melissa. Napatawa pa si Melissa sa kanya. “Ginulat mo naman ako, tapos na kayong mag – practice sa theatre

