Napabuntong – hininga na lamang si Nicole. Hay! Reklamo na lamang ng kanyang isipan. “Hoy!” untag pa sa kanya ni Julie noon. “Morning.” Bati naman niya noon. “Morning din.” Ngumiti pa ito sa kanya. Hindi pa rin nag – sink – in sa kokote niya kahapon ang binahagi ni Julie sa kanya. Isipin mo iyon? Talagang pinagsabay siya sa ibang babae habang may relasyon pa ito. Gago talaga ang mga kalalakihan ngayon, akala naman nila nagiging gwapo sila sa pag t – two time. Nag – r – rant na naman siya sa kanyang isipan ngayon. Napansin niyang may bagong estudyante. “Dawn!” Rinig niyang tawag ni Paulene sa isang babae. Nagkatitigan pa sila ni Julie noon. Masaya pa itong nagyayakapan. Napansin pa sila noon. “Hello.” Bati nito sa kanilang dalawa ni Julie. “Hello.” Sagot na lamang niya rito. Ng

