“Melissa, may practice kayo mamaya di ba?” Tanong ni Nicole sa kanya. Tumango na lamang siya. “Oo, wala kayong practice?” Tanong naman ni Melissa kay Nicole. Umiling – iling pa ito sa kanya. “Ang sabi’y nag ch – choreo pa raw sa mga steps namin, kaya, natatagalan din ang ate Kelly mo sa pag – uwi.” Paliwanag naman nito sa kanya. Tumango naman si Melissa. “Antayin ka lang namin ni Julie, kasi Friday naman ngayon.” ngumiti lang ito sa kanya. Mahina lang siyang napatawa sa sinabi ni Nicole. “Salamat Nicky.” Pagpapasalamat na lamang niya rito. “Kailangan ko ng pumunta, iwan ko kayo.” Paalam na lamang niya rito, hindi niya nakita si Julie ngayon, baka, namimili na naman ito ng makakain. Habang naglalakad siya patungo sa theatre, may gumugulo pa rin sa isipan niya, kundi si Raymond. Kapag

