“Kenneth, alam ko kung sinong hinahanap mo riyan, pero, kailangan na muna nating ayosin ang dapat ayosin.” Tanging sabi na lamang ni Cielo, napansin niya kasing may tinitingnan ito sa labasan ng orphanage. Mahina lang ito napatawa. “Pasensya, yeah, yeah. Pero malapit na ring magsimula di ba?” Tanong na lamang nito sa kanya. “Oo, baka hindi siya tumuloy ngayon.” napasabi pa niya rito. “Huwag naman.” Patawa – tawa lang ito. “Nandito na si Ate Princess!” tanging rinig niya sa mga batang nandoon. “Talaga?” Kitang – kita sa mukha nito ang kasiyahan, isa pa’y nagsisitakbuhan pa ito at nagkakagulo ang mga bata na hindi mawari. Naki – usyoso na lamang sila matapos nilang gawin ang trabaho nilang magpipinsan noon. Nakatanaw lang sila sa malayo. Nakita niya ang isang babae na masaya ring si

