Ben P.O.V. Pagkatapos ng mga sandaling iyon. Parang natatawa na lang ako sa aking sarili, bakit ngayon ko lang nakita ang lahat. Ang ganda mo, ang bait mo, kung gaanu ka kaalaga sa akin at gaanu ako kaimportante sa buhay mo. You are stronger than I ever thought dahil natiis mo ang relasyon ito ng iilang taon, kaya naman hindi ko na alam kung saan ko na ngayon hahanapin ang aking sarili. Kung paano na ako babangon sa sarili kong mga paa ng wala ka, as in burado at naputol na talaga ang taling mahigpit na nakatali dyan sa puso mo. Panibagong kabanata ito ng buhay ko na hindi ko alam kung sasalubongin ko pa ng malawakang yakap. Kahit ikaw ay magalit Sa'yo lang lalapit Sa'yo lang aawit Parang musika pa rin sa tenga ko ang boses mong umiiyak na kung magmakaawa sa akin ay parang batang ini

