CHAPTER 12 Kinuha ko ang fries na ipinatong ko sa tabi ko saka ako naglakad palayo. Iiwas ako habang kaya kong umiwas. Ayaw ko nang gulo. Sawa na ako sa pakipagbasagan ng mukha. Isa pa, matagal na akong hindi nakikipagsuntukan kaya minabuti kong umiwas na lang. Iyon ang laging pakiusap sa akin ni Saira na gusto kong subukan ngayon, ang umiwas sa gulo. "Di ba siga ka dati ha? Akala mo ba nakakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin no'n?" Tinabihan niya ako. Siniko niya ang kamay kong may hawak ng softdrink. Tumapon iyon sa damit ko. "Gago ka ah! Umiiwas na nga ako eh!" singhal ko. "Oh ano ha! Lalaban ka?" pinormahan niya ako, porma ng isang naghahanda sa suntukan. "Ano tol, kaya mo na na 'yan?" tanong ng isang kasama niya. Nakangisi. "Kaya na 'to. Anong silbing pinag-aralan ko sa loob k

