CHAPTER 26 “Gusto ko ho kasing magkapamilya. Yung may asawa akong babae at anak para magiging apo ninyo hindi na tayo pamilya pa ng mga ampon.” “At gusto mong si Faye ang magiging asawa mo sana in the future, tama? Natatakot ka na hind maging posible iyon kung magiging kagaya siya ng mga magulang niya na nagsasama na pareho ang kasarian. You are too concerned kasi anak kaya… tama ako, hindi ba?” “Hindi ho.” “Hindi raw?” “Hindi talaga, kaibigan ko ‘yon e.” Ginulo ni Mommy Shantel ang buhok ko. "Nak naman kasi, asawa agad e kaga-gragraduate mo lang ng grade six ah. Di ba pwedeng High School muna ta's college at saka na pag-isipan ang pagkakaroon ng asawa at anak. Enjoy your youth anak. Lagi mong tandaan na nandito lang kami ng Daddy mo. Susuporta sa'yo sa lahat ng desisyon mo." Dum

