ARCKIN'S POV
I am Arckin Reyes.A boyish type of person na walang ibang gustong gawin kundi ang makapag aral at makapagtapos.
Pero tingin ko ay mukhang malabo yun.
Kasalukuyang nagtatrabaho ako sa isang tiangge at may isang kasama na babae.Masasabi kong hindi kami talagang close na close,nag uusap lang kami pero hindi ganun katagal.
What do you expect from me?
Ang magkaroon ng bestfriend?
Im not that kind of person na handang pagkatiwalaan ang mga taong nakakasalamuha.
Iniisip niyo rin ba kung anong klaseng tao ako?
Im a cold hearted person at harsh akong magsalita dahil ayokong paliguy ligoy pa pag nakikipag usap.
Actually,hindi naman ako dating ganito.
Im a soft hearted person at mabait ako noon.Hindi ako nanlalait ng ibang tao dahil mali yun at hindi ako harsh o direktang nagsasabi ng masasakit na salita na ikasasama ng loob mo or ika ooffend mo.
But now?I changed a lot.And I dont think its better for me to act like this.
Masyadong malaki ang pinagbago ko at nahihirapan akong kontrolin ang ganitong klaseng ugali ko.
And now,hindi ko na pahahabain pa ang usapan.Let's start the story of my life.
*************
"Arc!May costumer o!"utos sa akin ng naghahandle ng pwesto na to.
Nilingon ko kung sinong costumer iyon.
And I saw a guy.Tall,handsome and white.Hindi siya mapayat at hindi mataba at halatang nagggym siya.
He's a filipino netizen.
May makapal siyang kilay at mahabang pilik mata.May mata din siyang walang emosyon at may matangos na ilong.
Mapula din ang kanyang labi na para bang nilagyan ng lipstick.
And also nakafitted siya na white na vneck at naka jeans.
He's really handsome at idagdag mo pa ang messy hair niya.
And to admit?
Gwapo siya pero hindi ko nga gusto.
Why?
Dahil hindi ko siya gusto.Period.
Namimili siya ng mga boxershort at nilapitan ko siya para i assist.
But guys dont expect na ngingitian ko ang mga kinakausap ko.
Im always wearing my poker face everytime na may iaassist ako,at yun ang hindi ko alam kung bakit kahit mabait ang costumer ay lagi pa rin akong ganun makipag usap.
"May sizes yan,Sir"walang emosyon kong sabi habang namimili siya.
He didnt give a look at me so I decide not to look at him too while his picking a size for him.
"Miss.May medium ba kayo?"halata sa boses niya na nakangiti siya.
I look at him wearing a poker face again and serious voice.
"Meron Sir"saka ako tumingin sa boxershort at binigay sa kanya ang nasa unahang boxershort na kulay gray.
May M na ngang nakalagay tapos nagtatanong pa?Do he need to ask if we have?Nakakabobo ang tanong niya.
I looked at his reaction while he's thinking if it will fit for me.
I looked down to his waist.
Not bad.Hindi ka large.Medium ka.
Gusto kong sabihin yun pero tinatamad ako kaya nanatili lang akong nanahimik.
"Kasya ba to sakin?Ang liit!"may maasim na mukhang komento niya habang iiling iling pa.
I looked at him with a bored look.
"Kaya nga may size,Sir."medyo may inis ng konti sa boses na pagkakasabi ko sa kanya at nagcross arms pa.
"Patingin nga ng large!"medyo may inis na din siya sa boses niya habang inuutusan ako.
Be patience.Arc.Be patience.Wag mong painitin ang ulo mo.
Binigay ko sa kanya ang itim na large then I looked again to his reaction.
Ngiwi ang nakikita ko habang nakatingin siya sa boxershorts.
Napairap ako at medyo tumagilid patalikod sa kanya dahil naiinis ako.
Bibili ba siya o magdadrama lang?Ang daming arte akala mo naman kung sino.
"Miss ang laki.Wala bang medyo maliit dito?"dissappointed niyang tanong sa akin.
Asar na asar agad ako sa kanya dahil umagang umaga pa lang ay siya na ang unang costumer na lumapit.
Mainit ang ulo ko pag umaga lalo na pag sinamahan yun ng mga drama o ng kahit na anong nakakainis na ayokong marinig o makita.
Mabilis lang talagang mag init yung ulo ko.
"Medium na yung maliit diyan,Sir"I still hold my anger dahil ayokong magkaroon ng kaaway na costumer.
"Masyadong maliit yung medium niyo,Miss.Wala bang medyo malaki don?"he's still in dissappointed looks and voice.
Bored na bored ko na siyang tinignan.
"Medium at large lang ang pwede mong pagpilian Sir.At kung wala kang mapili kung alinman sa dalawa ay pwede ka namang maghanap ng iba.Dont waste your time for talking a trash question and answer here."mahabang alintana ko.
"Yun na nga.Baka nga kung meron kayong medyo maliit sa large o medyo malaki sa medium."
Alam kong gusto niya ng magtaas ng boses pero pinipigilan niya lang.
Same as me.Pero unti unti ay nabobored na akong kausap siya.
"Between the two of them,Sir?Ganun ba?"
"Arc!"sigaw ng kasama ko sa pwesto.
Sinasaway niya na ako dahil heto na naman ang ugali kong hindi ko kayang kontrolin pag umagang umaga ay binubwiset ako.
Partida at wala pa akong kain.
"What?"inosenteng tanong ko sa kanya.
She gave me a 'What are you doing?' look.
I shrugged my shoulder na sabihing 'WALA'.
She know me so she doesnt need to ask me about what I am doing right now.
I looked now at the guy infront of me.
Namimili pa siya at nakakunot noo na.
The hell!Akala ko aalis na siya?What took him so long?
"Eto na lang,Miss."sabay kuha niya ng medium size at inabot sakin ng nakakunot noo.
Kinuha ko naman yun ng walang kahit na anong ekspresyon ng mukha.Pilit kong kinakalma ang sarili ko.
Pero bago ko naman ito iplastic ay may narinig akong pahabol na sinabi niya.
"Nakakahiya naman kase sayo.Inuubos ko ang oras mo"pabulong niyang sabi pero halos rinig ko na.
Napalingon ako sa kanya at hawak ko na ang plastic na may lamang boxer.
Hinarap ko siya at tinignan ng masama.
"May sinasabi ka ho ba,Ser?"pilit ko pa ring kinakalma ang sarili ko kahit na iritang irita na ako sa kanya.
Pagtripan mo lang ako,Ser.Bibigwasan na talaga kita pag nagkataon.
He smiled to me and said.
"Ahh.Wala wala."Tinaas niya pa ang magkabilang kamay niya para iwagayway na ang ibig sabihin ay hindi o wala.
Gago ka pala e!Rinig na rinig ko na lahat magdedeny ka pa.Pero kunsabagay,bat pa ba ako magtatanong e narinig ko na rin naman.
"Magkano?"binigyan niya ako ng pekeng ngiti at binigyan ko naman siya ng sobrang samang tingin.
"Ang alin,Ser?Yung oras ko na sinayang mo o yung-"
"Ahh.Hahaha.Hindi.Yung binili ko"
"250 la-"
"250?SERYOSO KA DIYAN?"halos pasigaw niyang tanong sakin na gulat na gulat.Pati yung ibang customer nakatingin na sa kanya,lahat din ata ng napapatingin.
Inang yan!Balak pa ata magpasikat ng isang to dito a?
"Arc!Anong nangyayari ba diyan?"medyo inis na na tanong ng kasama ko.
"Wala.Nag uusap lang kami"natatawa kuno kong sabi.
"E ano yung narinig kong sigaw ng customer?"
"Anak ng kagang!Narinig mo pa lang may sumigaw magtatanong ka pa.Matik na dapat alam mo na yun"badtrip kong tugon sa kanya.
Binabadtrip talaga nila ako.Inang yan!
Napatingin naman sakin yung lalaki.
"Ano Ser?Magbabayad ka na?"emotionless kong tanong.
Pinilit kong magmukhang kalmado.Yung hindi galit o may inis.
Ngumiwi siya at dumukot ata ng wallet sa likod ng bulsa niya.Akmang kukuha na siya ng pera nang kinuha ko yun ng isang lalaking mas bata pa sa kanya ng ilang taon.Nagulat siya sa nangyari at di man lang nakagalaw.
Naestatwa ang gago.
Ako naman ay kinuha ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Royaltei.
"Asan ka?"
"Miss yung wallet ko kinuha nung lalaki"natataranta niyang sabi.
Tch.Ngayon natataranta ka samantalang kanina ang yabang mo.
Tinignan niya ako ng may nakakaawang tingin.
"Maghintay ka.Tch.Yabang kase"
Kinausap ko si Royaltei na hanapin yung snatcher na batang yun.Kilala na kasi namin yung snatcher na yun kaya alam na namin kung paano siya huhulihin.
(Nakita ko na siya.Dalhin ko na lang diyan.)
"Hmm.Sige"
"Miss.Tulungan moko"pagmamakaawa niya.
Lumabas naman si Ate Loraine at nagulat sa nakita niya.Gwapong gwapo siya sa customer namin.
Ako?
d-_-b
Hindi ko maintindihan kung bakit nagagwapuhan sya sa lalaking yan e napakayabang naman.Tsk.
"Anong problema ho Sir?"malandi niyang tanong at inipit pa ang buhok niya sa likod ng tenga niya.Hula ko at nagpapacute sya.
Napalingon ako sa lalaki.
Napakamot sya sa batok niya at alinlangang tumingin Kay Ate Loraine.
"Yung wall-"
"Arc!"
Sinigawan niya naman ako sa mukha ko.
"Oh?King ina.Ang lapit lapit mo na lang maninigaw ka pa"asik ko naman sa kanya at ngumiwi pa ako.
Ngumisi naman sya at nag peace.
"Tulungan natin si Sir ohh"maarte niyang saad sakin at nagpuppy eyes pa saka tumingin Kay Ser.
Napalingon ako sa lalaking to.
Gwapo nga tanga naman.Tss.Asan ang silbi?
"Arc!"napalingon ako sa kung sino ang may ari ng boses na yun.
"Asan na?"walang emosyong tanong ko.
Tinuro niya yung nasa likod na nakangiti.
Bat nagdala pa ng security guard?Tss.Kayang kaya naman niya yan.
Huminto sila sa harap namin na pinagtaka ng lahat.
Bakit nga ba?
Hawak hawak ng guard ang bata na animo'y isa itong masamang tao.
"Akin na"kalmadong saad ko sa bata na ngayon ay nakatingin sa tiles.
Ngunit hindi pa din sya natitinag.
"Ibibigay mo o sa kulungan ka diretso?"pambabanta ko.
Napaangat sya sakin ng tingin.
Namumula ang mga mata at mababasa mo doon ang lungkot at takot.
"Kelanga-"
"Hindi ko kelangan ang mga dahilan mo il-"
"Sandali,Arc.Ano bang nangyayari?"tila naguguluhang tanong ni Ate Loraine.
"Sya ba ang nagsnatch?"tanong ng may halong pagmamakaawa na tanong ng lalaki.
"Ang ayoko sa lahat inuubos ang oras ko.Kaya kung gusto mo pang humaba ang buhay mo bata ilabas mo na"pinipigilan ko ang magtaas ng boses.
Pag galit kasi ako nananakit ako.
Kinuha niya naman ang wallet sa bulsa niya at inabot sakin.
"Ako ba ang may ari?"may inis sa boses ko nang sabihin yon sa kanya.
Tumingin naman sya sa lalaki na ngayon ay nakakunut noo ito.
Saka hinila ang wallet niya sa lalaki.
"Why did you snatch my wallet?!HUH?!"galit na galit sya at nababakas yun sa pagmumukha nya.
Napakabilis magbago ng hitsura at ugali ang isang ito.
"E kasi Sir-"
"Dalhin natin yan sa kulungan para magtino"galit na saad nya at nagpatiunang naglakad.
Todo ang kilig ng mga babae habang naglalakad ito papunta ata sa labas.
Papasok na sana ako sa loob nang tinawag ako ni Royaltei kaya napalingon ako.
"Oh?"sagot ko.
"Aalis nako.Kita na lang tayo mamaya"sabi niya at umalis na.
Si Kuyang Guard ay nakasunod na sa lalaki habang bitbit ang bata.
"ARCKIN REYES!!!!"sigaw ni Ate Loraine.
King ina.May balak ba syang ipanlandakan ang pangalan ko?