Book 1 - Cherilu 20

1187 Words
“SABIHIN mong nagbibiro ka lang, Ronald. This is really one hell of a big joke.” Nag-alsa ng boses si Faye subalit sa sarili'y alam ng babae kung kailan nagbibiro at kung kailan seryoso si Ronald. "We are not committed to each other, alam mo iyan," walang-emosyong sabi ni Ronald at tinungo ang minibar sa unit. Magdamag siyang inaapoy ng lagnat at maliban sa dalawang tabletas ng paracetamol ay tulog lang ang naibigay niyang lunas sa katawan. At ang balak sana niyang pamamahinga ay nabulahaw ng walang-kaabugabog na pagsulpot ng babae kaninang alas-kuwatro ng madaling-araw na kung saang party nanggaling ay hindi na niya inalam. Nasabi na niya sa pag-uusap nila sa telepono na tapos na sa kanila ang lahat. Pero sa itsura nito, alam niyang kailan pa niyang ulitin ang tungkol doon. Nagdesisyon siya na kausapin ito pagdating ng umaga. Mainam Na nga ring inimbita na nito ang sarili doon. Isang linggo rin ang hinintay niya na sumulpot ito, ngunit hindi ang sandaling iyon ang tamang oras para sabihin ang tungkoldoon. Subalit nagising siyang naglalakbay ang mga kamay nito sa kanyang katawan. Parang walang anumang tinabig niya ang kamay nito saka itinaob ang sarili sa kama. “Go away. I need some sleep,” ungol niya. Masakit ang ulo niya at mataas ang lagnat. Saglit na umarko ang mga kilay nito mayamaya at lalo lamang naging agresibo ang kilos nito. At umagaw sa antok niya ang h***d na dibdib nitong walang inhibisyong inilapat sa kanyang likod. Then he knew ang mga ginagawa nito ngayon na dati'y nagpapakulo ng kanyang pakiramdam ay bale-wala na ngayon. Saka gumuhit sa isip niya ang larawan ni Cherilu. Mabilis siyang bumangon saka isinuot ang roba. Odd, nilalagnat na siya buong magdamag ay nakahubad pa rin siyang natulog gaya ang nakasanayan. At ngayon ay alam niyang sa itsura ni Faye ay nagpipigil lang itong magwala. “Ronald, it's been years we've had this setup. Wala tayong pinagkagalitan o pinagdiskusyunan. Bakit kailangan nating tapusin? All along, I thought sa kasal din tayo mauuwi. Hindi naman tayo nagmamadali doon, hindi ba?” Pinanatili ni Faye ang hinahon. She knew damn well na kung maghihisterya ito ay lalong hindi makukumbinsi si Ronald. “Look,” wika ni Ronald na nagpipigil na rin ng iritasyon. He was so confident na madaling makikipagkalas kay Faye, ngunit mukhang nagkamali siya. “Do I really need to tell you that I'm getting married at hindi ikaw iyon?” He didn't want to sound insensitive, subalit ganoon ang naging tono niya. Shock was on her face. Bago unti-unting bumalasik ang anyo nito. For a while, hinintay ni Ronald na dambahin na lang siya ng babae at kalmutin ng mahahaba nitong kuko, subalit matapos siyang tingnan ng matalim ay slow-motion na nagbihis sa harap niya. Tila tinutukso siya at pinakakabisa ang bawat bahagi ng katawan nito sa kanya as if gusto nitong magsisi siya na kung sino lang ang babaing ipinalit niya rito. But he knew, all he wanted was Cherilu. His heart was screaming for Cherilu. IBINUKAS ni Faye ang pinto. Alam niya, talo siya. At wala siyang karapatang magalit kay Ronald because they had both agreed na ganito ang relasyon nila. Siya lang itong umasa ng mas malalim pa sana. At kung tutuusin ay hindi siya ganoon kadehado. Ronald had provided her with luxury that every woman would want. At ang pagkakamali lang niya ay in-involve ang emosyon sa lalaki sa pag-asang matututunan din siya nitong mahalin. At wala siyang balak ipagsiksikan ang sarili. Dahil nakita niya sa mga mata nito how in love he was when he mentioned of getting married. At sa tingin niya ay nagbago ang imahe nito. A husband-to-be that will provide everything for his wife. Including emotional security na pangkaraniwang nasisira because of womanizing. At sa buong panahong kilala niya ito ay iglap na nawala sa mukha nito ang interes sa kahit na sino pang babae. It seemed the woman he had found had hooked everything in him. Sandaling naningkit ang mga mata ni Faye nang mamataan ang isang babaing halatang gulat na gulat. Nang makita siyang nasa may pinto ng unit ni Ronald. Kulang na lang ay mawalan ang kulay ng mukha nito at maupos sa kinatatayuan. This must be the lucky woman. Isang ngiti ang sumilay sa sulok ng labi ni Faye. Oh, well, she could be bitchy the last minute. Bumaling siya kay Ronald na tahimik na umiinom sa bar. Nasa mukha nito ang pagkainip sa nabalam niyang pag-alis. “You made me so happy, Ronald,” malakas na sabi ni Faye na siniguradong maririnig ng nasa labas mula sa iniawang niyang pinto. “I never expected I had to wait four long years para marinig sa iyong pakakasalan mo ako. Now I don't regret turning down a promising career because I wanted more to become your wife. I guess, mauna na ako sa iyo. I'll see our designer friend para sa wedding gown ko. I’m so excited. I can’t wait to be married to you.” At maluwang ang ngiting tumalikod. Siya mismo ay bumilib sa sariling acting. Nang matapat siya sa nanghihinang si Cherilu ay saglit na huminto at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. SA LOOB, nangunot ang noo ni Ronald. Wala sa karakter ni Faye ang umasal ng ganoon. Walang-wala sa pinag-usapan nila ang mga pangungusap na binitawan nito. Hinabol niya ito para sitahin, subalit ang nakita niya ay ang nagdaramdam na mga mata ni Cherilu. Mabilis itong bumaling at humakbang na palayo. Bumilis nag hakbang niya para lapitan ito pero mabilis nang nakasakay ang dalaga. Damn that elevator! How convenient na bumukas iyon sa eksaktong pagkakataon. His unit was on the twentieth-floor. Ang dalawang elevetor ay parehong pababa. Mabilis siyang bumalik sa unit niya at tumawag sa lobby. Kulang na lang ay mabasag niya ang telepono nang hindi niya iyon agad makontak. “Oh, please, pakihabol yung babaeng lumabas ngayon lang. Iyong naka-bestida ng kulay asul.” He was a little glad na maalala nag kulay ng suot ni Cherilu. “s**t!” Hindi maisip ni Ronald kung kanino ipatutungkol ang mura. Ayon sa lobby staff ay hindi na nito naabutan ang babae na mabilis na daw nakasakay ng taxi. Tapos na siya nang mabilisang shower at ngayon ay hindi magkandatuto sa pagbibihis. “Paolo?” makaraang kontakin niya ang Gold Vision. "Ikuha mo ako ng pinakamaagang flight ngayon papuntang Laoag.” Ngumisi ang nasa kabilang linya. Nahimigan nito ang pagpupursiging makarating sa Laoag. Saka naisip na laruin si Ronald. "Ano? Walang flight ngayong araw na ito? Wala namang bagyo, ah!” As expected, kulang na lang ay parang bulkang sasabog si Ronald. Saka naisip ni Paolo na pagkakataon na rin niya iyon para paminsan-minsa'y maisahan ang pinsan. “Hindi ko rin alam, ‘insan. Pero kung talagang kailangan mong magpunta sa Laoag at ayaw mong mag-bus, I have a chopper here. Ipahahatid kita roon." “Do it! At ipadala mo ang bill sa sekretarya ko.” “Bakit ba? Is it a matter of life and death?” Aliw na aliw si Paolo sa nakikinitang reaksyon ni Ronald. “Hell, yes!” Ronald snapped.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD