"Agap n'yo ha, mukhang naubos agad 'yong paninda n'yo?" salubong sa kanila ni aling Mildred. "Opo Inay, dami po kasing turista kanina kaya ayan naubos agad dala naming mais at malagkit. Alam mo Nay kanina sa bayan, may nakabunggo akong lalaki, kilala n'ya raw ako. Tinawag n'ya akong Nessa, ewan ko ba. Sayang gwapo pa naman hindi ko s'ya naka usap nang matagal. Tinawag kasi ako ni Joseph, pero kahit gwapo s'ya hmmmp... Loyal ako ky Mr. Charmer ko. Charannnn hehehe." At nilabas ni Nessa ang poster sa kanyang bag, at tumakbo ito sa kanyang kwarto upang idikit ang kanyang poster na nabili. "Naku Cess ha, diba sabi ko sa iyo h'wag na h'wag kang makikipag usap sa mga taong hindi mo kilala lalo na't wala ka pa rin maalala. Alam mo naman na naglipana ang masasamang loob ngayon, hoy! Nakikinig

