Kinabukasan maagap nagising si Nessa upang magluto ng almusal habang s'ya ay naghihilamos ay bahagya s'yang nagulat, dahil hindi s'ya makapaniwala na hindi pa pala umalis si Markus. Dahil na roroon pa rin ang kanyang kotse naka park sa gilid ng bahay nila. "Inay hindi pa pala umalis si Markus? Saan s'ya natulog?" salubong na tanong ni Nessa sa kay aling Mildred na patungo sa kanyang kina ruruonan. "Hmmp... Concern anak ha, ayon sa kanyang kotse. Ayaw naman pumasok sa silid mo baka lalong magalit ka raw, kaya nag tiis sa kanyang sasakyan, " tugon ni aling Mildred. Pa ngiti ngiti pa ito sa kanya. "Hmmp.. Talagang magagalit ako Inay, bakit s'ya pupunta sa silid ko eh nakipag hiwalay na ako sa kanya. Hindi ko na s'ya asawa Inay, para tabihan ako sa pagtulog sa kwarto ko. " Padabog pang um

