Naratnan ni Nessa ang kanyang tita sa kanilang maliit na sala na nanonood ng tv, agad n'ya itong niyakap nang mahigpit.
"Tita Carmel," wika ni Nessa, habang yakap yakap ang tiyahin.
"Hmmp... Akala ko ba masaya ka? Bakit parang ang bigat bigat nang nararamdaman mo?" Usisa nang tiyahin niya.
"Kasama ba talaga sa pagmamahal ang masaktan? Bakit kailangan pa natin magmahal ng sobra, kung kapalit naman nito ang sobrang sakit na nadarama?" muling sambit ni Nessa.
"Mali ka lang ng taong minahal anak, mali ka lang ng taong pinag ukulan mo ng buong magmamahal mo. Yong sa inyo ni Markus, alam ko yan anak. Nai-kwento sa akin ni aling Milda, na may lalaking mayaman ang madalas kasama mo dito sa bahay, at alam kong si Markus 'yon. Anak diba pina alalahanan na kita. Diba tungkol sa stado ng buhay natin, sa kanila. Ikaw kasi bakit mo pinaramdam 'yong pagmamahal mo, at pagkahibang mo sa kanya syempre iyon ang gagamitin niya para mapa ikot ka niya," wika ng tita n'ya, habang hinahaplos ang kanyang likod.
"Pangit ba ako Tita?, mabaho ba ako?"
muling tanong ni Nessa.
"Hindi anak, maganda ka. Sexy, kahit na may pagkamorena ka makinis ang balat mo. Kung mabibihisan ka ng mamahaling damit aba! Dinaig mo pa ang mga anak mayayaman diyan sa labas." Pagmamayabang ng kanyang tita Carmel.
"Tita naman ei, inuuto mo lang ako. Kung maganda ako, at sexy. Bakit hindi s'ya nakuntinto sa akin, bakit pinagpalit n'ya pa rin ako sa iba? Bakit nakipag hiwalay siya sa akin?" Sunod sunod na tanong ni Nessa. Doon naman humarap sa kanya ang kaniyang tiya.
"Sadyang ganyan ang mga mayayaman anak, ang mga babae para sa kanila ay isang laruan lang. Dahil kaya nilang bumili ng babae sa pamamagitan ng pera nila, kaya nila magpalit palit ng babae kung gusto nila." Paliwanag nito.
"Bakit si sir Austine, mahal na mahal niya si Lorraine, kahit mag kaiba sila ng stado sa buhay? Kaya 'yon ang inaasahan ko ang magustuhan din ako ni Markus. Yong mamahalin niya rin ako katulad ng pagmamahal ni sir Austine kay Lorraine, pero hindi pala. Ginawa n'ya lang akong laruan pagkatapos pag sawaan, basta basta na lamang iiwan."
Muling tumulo ang luha ni Nessa sa pagkakataong iyon.
"Galit kaba sa akin Tita? sampalin mo ako kung gusto mo." Nakayukong sambit ni Nessa habang may tumutulong luha.
"Sampalin man kita ngayon, at bugbugin anong gagawin ko ei naluko kana. Ang importante ngayon ay natuto ka sa mga pang yayari. Naiintindihan mo ba ha Nessa?" Agad siyang niyakap ng kanyang tita Carmel.
***************************
Mabilis lumipas ang isang buwan mula nang pinaalis s'ya ni Markus sa condo nito. Hindi na rin ito nagpakita sa kanya, pinapangarap pa naman niyang suyuin s'ya nito, pero hindi nangyari. Sabi pa naman n'ya sa sarili ay kahit kunting sorry lang sana ay matatanggap n'yang muli ang binata, dahil ganito n'ya ito kamahal. Pero bigo s'ya dahil walang Markus ang nagparamdam sa kanya.
"Rain, congrats sa wakas ikakasal kana sa taong mahal na mahal mo. Ayeeeeh... Super happy talaga ako sa iyo may friend."
Sabay yakap ni Nessa, sa kaibigang naka abang sa pagdating n'ya.
Kasalukuyang nasa private resorts sila ng venue ng pagkakasalan ni Lorraine na pag mamay ari mismo ng mapapangasawa nito.
"Salamat.. Mabuti naman Nessa, at nakarating ka. Sorry ha kung si Markus ang makakapariha mo sa pag abay sa amin. si Austine kasi ei," wika ni Lorraine sa kaibigan.
" Naku! Wala 'yon, expected kona Rain, syempre kaibigan s'ya ni sir Austine, kaya hindi na ako magtataka. ano kaba ayos lang ako." Nangiting tugon nito sa kaibigan.
"Sigurado ka ha? Na ok lang sa iyo?" Sabay tapik ni Lorraine sa balikat ni Nessa.
"Oo naman, ok lang ano kaba. Sige, saan ba 'yong silid ko at medyo napakagod ako. magpapalit na rin ako ng damit, napagod ako sa byahe ang layo nito ha." Paalam niya sa kay Lorraine.
Tinuro naman sa kanya ng mga staff ng resorts ang room n'ya.
Pagkapasok niya sa loob ng silid, agad s'yang nagtungo sa shower room upang maligo, at magpalit na rin ng damit.
Saglit niyang tiningnan ang replika niya sa salamin habang nag susuklay ng buhok, inisip niya na kaya niya bang harapin si Markus gayo'y isang buwan pa lang nang hindi niya ito nakita, na gabi gabi niya pa rin itong iniiyakan. Umaasa s'ya na isang araw babalik ito sa kanya at mamahalin ulit s'ya ng buong buo.
" Kaya mo yan Nessa ajaaah,"
bulong n'ya sa sarili habang nakaharap sa salamin.
----------------
Hindi mapakali si Nessa sa kinatatayuan dahil may insayo sila ngayon kung paano ang gagawin nila kinabukasan sa kasal ng kaibigan niya. Hindi s'ya mapakali hindi dahil sa insayo, kundi hindi s'ya mapakali dahil alam n'yang makakasama niya si Markus at muli niya itong makikita.
"Steven. Bro, kanina paba kayo? Pasensya na nalate ako may pinuntahan lang ako kanina."
Isang baritong boses ang narinig n'ya sa likod niya na s'ya namang nagpakaba sa dibdib niya, alam niyang si Markus iyon. Dahan dahan niya itong nilingon at nginitian.
"Hi.."
malamig na bati sa kanya ni Markus, na akala mo hindi sila magkakilala. Bahagya siyang nasaktan sa pagkakataong iyon.
Agad namang nag umpisa ang practices. Bahagya pang nagalit ang coordinator dahil laging nag aaway si Clarkson at Krisha na halatang may something sa isat isa.
Kinabukasan naging maayos ang kasal halatang halata sa mag asawa ang pagmamahalan sa bawat isa.
Sa venue naman ay lihim niyang sinusulyapan si Markus habang umiinom ito. hindi niya mapigilan ang sarili na hangaan ito kahit pa na nasaktan s'ya nito nang sobra-sobra, ay gusto niya pa rin na mag kabalikan sila, at magka ayos. Dahil nga sa pagmamahal niya na dito.
Kaya inisip n'yang maka kuha ng tyempo para maka usap ito ng sarilinan kaya ng makita niya itong umalis ay nagpasya siyang sundan ito. Nagpapasalamat s'ya dahil mag isa lamang itong pumasok sa silid nito, nangangahulugang mag isa lang ito sa silid niya.
Tatlong bisis niyang kinatok ang silid nito bago pa sya pinag buksan.
"Nessa! Anong ginagawa mo dito may kailangan kaba?" tanong ni Markus sa kanya, na naka bukas pa ang botones ng kanyang pulo dahilan upang makita niya ang katawan nito.
"Ahmm.. Pwede ba kitang maka usap?"
sabay pasok ni Nssa sa silid nito agad namang sinara ni Markus ang pinto.
"Bakit? Ano pa ba ang dapat nating pag usapan Nessa, pwede ba doon kana sa room mo at matutulog na ako. Wala na tayong dapat pag usapan Nessa."
Sabay tanggal nito ng kanyang pulo na sya namang tulala ni Nessa sa katawan nito na kahit maraming bisis na niya itong nakita ay hindi mawala wala atraction niya sa katawan nito.
lunok laway muna si Nessa sabay tungo.
"Kasi, gusto ko lang na malaman bakit hindi kana nagpaparamdam sa akin,"
naka yukong wika ni Nessa.
"Nessa ano ba! Hindi paba sa iyo malinaw ang lahat? Ayaw ko na sa iyo. Hindi na kita gusto, sawa na ako sa katawan mo. Ganyan ka ba talaga ka dispirada kahit alam mo nang hindi lang ikaw yong babae ko gusto mo pa rin ako,"
wika ni Markus habang nakaharap sa kanya.
"Dispirada!? Oo, hindi ko alam kong anong nangyayari sa akin. Sa kabila nang pananakit mo sa akin Markus, bakit hinahanap hanap pa rin kita. Kahit pinag tabuyan mona ako, umaasa pa rin ako na magkaka ayos tayo,"
umiiyak na tugon ni Nessa.
"Wow! Pwede ba h'wag mo akong dramahan. Please, umalis kana."
sabay kuha ni Markus sa kamay ni Nessa.
"Ayaw ko, hindi ako aalis dito hanggat hindi tayo nagkaka ayos!"
Pag mamatigas ni Nessa, habang pinipigilan si Markus upang hindi s'ya mapatayo sa kama kung saan s'ya naka upo.
"Anong gusto mo Nessa? Ito ba gusto mo!? Ok! Pagbibigyan kita kahit sa huling pagkakataon."
Bigla siyang pinatayo ni Markus, at sapilitang sinira ang kanyang dress na suot. Dahil sa puro buttones sa harap ang dress niya, agad nasira ni Markus ang suot nito. Agad din siyang pinisil sa braso at sapilitang hinagis sa kama.
"Ano ba Markus!? Nasasaktan ako!"
sigaw ni Nessa.
"Ito ang gusto mo diba? Ok madali lang akong kausap."
sabay hila sa kanya mga binti at kinapa ang kanyang underwear at malakas niya itong hinila dahilan upang masira at hinagis na lamang kung saan.
Hindi niya alam balit tila kahit nasasaktan siya sa paraan paano siya gamitin ni Markus ay may puwang sa puso niya na gustong gusto niya ito. Kaya hina hayaan lang niya si Markus kung anong paano siya angkinin nito.
Angkin na punong puno nang gigil at parang walang pagmamahal. Halos masugatan na ang kanyang labi sa gigil ng bawat halik nito. Halos masaktan na siya paano siya hawakan nito sa bawat parti ng kanyang katawan. Alam niyang may maiiwang marka ito lalo na sa kanyang liigin alam niyang sinadyang lagyan ni Markus ng mga marka ito. Gusto niya itong itulak at ipatigil ang ginagawa nito, ngunit iba ang dinidikta ng kanyang puso at pagkatao. Gusto niya pa rin iyon. Gustong gusto.
Nang lalong bumilis itong gumalaw sa kanyang ibabaw ay naramdaman niyang parang may sumabog sa kanyang kaloob looban, doon na lang niya naisip na wala itong ginamit na proteksyon tulad ng ginagawa nito noong panahong sila pa.
Napaiyak na lang si Nessa, nang makita niyang tumayo ito at halatang walang paki alam sa nararamdaman niya. Naiyak siya hindi sa sakit na pinaramdam sa kanya paano siya angkinin. Napaiyak siya dahil ramdam niya ang pagkasuklam nito sa bawat titig sa kanya.
"Pwede ba Nessa, h'wag kang mag i-inarte, at paiyak iyak na parang hindi mo gusto ang ginawa ko. ito lang naman 'yong gusto mo diba? At siyangapala kung ayaw mong umalis sa silid ko, ako na ang aalis.
At pwede ba Nessa tigilan mo na ako ayaw kona sa babaeng katulad mo!!"
sabay duro nito sa kanya at agad lumabas ng silid.
habang patuloy ang pag iyak ni Nessa, ay isa isa niyang kinuha ang punit punit na mga damit niya.
Binalot niya na lang ang katawan niya ng kumot upang matakpan ito pabalik ng kanyang silid mabuti nalamang at walang taong nakakita sa kanya.