Lumipas ang dalawang buwan nang matapos ang pangyayari sa office. gustong gusto sanang kausapin ni Markus si Nessa ukol nga sa nangyari, at para humingi ng sorry. Pero inuunahan s'ya ng pride at hiya. At hindi rin s'ya maka kuha ng tiyempo para kausapin ito. Nagpalit na rin kasi n ng cell phone number si Nessa kaya hindi niya ito makuntak. Tinotoo na talaga ni Nessa ang tuluyang pag iwas sa kanya kung minsan iyon ang pinagpapasalamat niya. "bro, anong meron at pinatawag mo ako anong meeting 'tong sinasabi mo?" Agad na umupo Markus sa sofa ni Austine sa office nito. "Sorry kung meeting ang sinasabi ko bro, ang totoo kasi about Nessa," tugon ni Austine. Biglang kumunot ang noo ni Markus nang pagkakataong na iyon. "Seryoso ka bro,! Ano naman ang about sa babaeng 'yan? dalawang bu

