“Lou!!! Gising na, male-late ka na!” bigla akong naalimpungatan sa nakakabasag na sigaw na iyon. Umagang umaga e.
“Opo, gising na” dali-dali akong bumangon at hinanap agad ang makakapal kong glasses at humarap sa salamin. New school nanaman, lumipat kasi kami ng bahay at natanggap din ako bilang scholar doon. Nakahanap naman ng bagong trabaho si mama rito kaya dito na kami mag i-stay.
Naligo na ako at nagbihis, medyo tinatamad pa ako pero kailangan kong gumalaw, kung hindi ay male-late talaga ako. Inihanda ko na rin ang mga damit at iba ko pang gamit dahil sa dormitories na ako ng school mag i-stay. Pagkababa ko mula sa kuwarto ko, bumungad agad ang amoy ng niluluto ni mama. Pritong itlog iyon at tuyo, sinamahan pa ng tinustang bawang na amoy para sa sinangag.
“Buti naman at nagising ka pa? Iiwanan na sana kita e” natatawang ani ni mama at inilapag na sa lamesa ang mga pagkaing niluto niya.
Pagkatapos naming kumain ay inihatid na ako ni mama gamit ang motor niya sa bago kong school. Nakakamangha talaga ang ganda ng paaralang ‘to, nagsisitaasan ang mga building na lumalagpas pa sa mataas na bakod ng school. Kulay abo ang mga bakod nito at ang mga buildings naman na sana loob ay pinaghalong kulay maroon at puti.
Bumaba na ako sa motor at nakatitig pa rin sa paaralang nasa harap ko, school ba ‘to o ano? Bigla akong natauhan nang bigla akong tawagin ni mama, paglingon ko ay nakatulala rin si mama at tila ba’y may pagtataka rin sa mukha.
“Ang laki naman neto Lou, sigurado ka ba na ito talaga school mo?”
“Opo ma, ‘di ko nga alam paano ako natanggap bilang scholar dito e”
“Ha? Anong hindi alam, eh ang talino nga ng anak ko na yan eh” sabay sundot sa aking tagiliran.
“Aray ma!”
“Oh siya, male-late na ‘ko sa trabaho…sigurado ka ba na kaya mo na mag isa? Puwede ka pa magbago ng isip. Mami-miss ka pa naman ni mama” nakasimangot niyang saad
“Yes ma, kaya ko na po. Ako pa ba?”
Kinuha ko na ang maletang dala ko na inilagay ni mama sa harap ng motor at nagpaalam na. Naglakad na ako papasok sa gate at bago makapasok ay nilingon ko muna si mama at kumaway bago tuluyang makapasok.
“MONTAGUE PADIREON UNIVERSITY” ang nakalagay sa dambuhalang gate na pinasukan ko, pagpasok ko ay nakakabinging katahimikan ang bumungad sa akin. Alas singko pa lang ng umaga at hindi pa gaanong kadami ang mga tao. Ngunit kung titignan sa malapitan ay mahahalata mong mga demure talaga ang mga tao rito.
Bigla akong napatanong sa sarili, “Nararapat ba talaga ang isang kagaya ‘ko rito?” Huminga na lang ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad.
Napatalon ako sa gulat nang biglang may sumigaw sa likod ko, “WATCH OUTTTTT!” lumingon ako sa pinanggalingan ng sigaw na iyon at hindi na nakapagreact pa nang matumba sa’kin ang 5-layer cake na mas malaki pa sa akin.
“Oh my god Louis! I’m so sorry.” saad ng babaeng tulak tulak kanina ang cart na may cake na ngayon ay pinupunasan na ‘ko.
“Paano mo nalaman pangalan ko?” nagtatakang tanong ko habang pinupunasan niya ‘ko. Kinuha ko ang tissue mula sa kamay niya at pinunasan ang sarili.
“You’re the scholar right? I’m Wendy Harriet, nice to meet you!” aniya at niyakap ako.
“So, paano mo nalaman pangalan ko?...”
“UH? SERIOUSLY? Kalat mga tarpaulin mo sa buong school!”
“Huh?”
“Come with me” saad niya at sabay hila saakin papunta sa loob ng isang malaking hall, napaawang ang bunganga ko nang makita ang naglalakihan at nakapaskil sa bawat sulok na tarpaulin na may pangalan at mukha ko!
Napatakip ako ng bunganga sa sobrang gulat, and worse…ANG PANGIT KO SA MGA TARPAULIN NA IYON!!!!
Napatalon ako nang may mga confetti na sumabog at lumabas ang isang matandang babae na may hawak na bouquet at dahan-dahan itong lumapit sa’kin.
“Welcome to our school, Ms. Demeter.” malamig niyang saad at iniabot sa akin ang bouquet na hawak niya.
“Ms. Harriet, kinuha mo na ba yung cake?”
Tila ba’y namutla si Wendy nang marinig iyon at yumuko na lamang, “There’s a little accident po na nangyari a while ago e.”
“Anyways, Ms. Demeter, let me introduce myself to you first. I am Gretchen Montague, and I own this school. Nice to meet you, congratulations for being one of our scholars. I hope that you will enjoy staying here.”
“Thank you ma’am, it’s nice meeting you too.” saad ko at nag-bow.
“I still have a lot on my plate, so I can’t accompany you today. But here’s our Student Council President, and he’s here to give you a tour and also give you our rules and regulations.”
“Primo, take care of her. See you around.” saad niya at naglakad na papalayo.
“Hello Ms. Demeter, I’m Primo Revior. Let’s now start our tour, shall we?”
Ngumiti ako at tumango, “Prim, sama ako please.” saad naman ni Wendy at sumikbit sa braso ni Primo.
“Ano’ng magagawa ko? Kahit naman sabihin kong hindi, sasama ka pa rin.” tugon naman ni Primo at ngumisi.
Nagsimula na kaming maglakad at unang nilibot ang Main Hall na kinatatayuan namin.
“Dahil nandito naman na tayo, Main Hall muna ang 1st destination ng tour natin.” saad ni Primo at iginiya ang kamay sa isang elevator.
Sumakay na kami rito at tumigil sa 2nd floor, pagbukas ng elevator ay sumalubong sa amin ang mga naglalakihang statues na nakaturo sa isang napakalaking painting. Isa itong family picture, at mayroong nakalagay sa ibaba. “Montague’s”
“This was Ms. Montague’s family portrait, this is her when she’s just a teenager like us.” paliwanag ni Primo at itinuro ang isang magandang babae na nasa gitna.
“Kaya pati hanggang ngayon, hindi mo mahahalata na matanda na siya.” saad ni Wendy at tumawa nang kaunti.
Tinapik naman iyon ni Primo,”What? Totoo naman e, she’s already 50. Nagtataka nga kami kasi bakit kaya siya tumandang dalaga e she’s so pretty naman.” saad ni Wendy habang nakanguso.
“Wala siyang anak?” takang tanong ko.
“Yeah, anyways. Let’s go to the rooftop” Saad ni Primo at sumakay na ulit kami ng elevator papunta sa 3rd floor.
Ang rooftop ng Main Hall na ‘to ay sobrang taas at para itong isang garden. Ito na ata ang pinakamataas na building. KItang kita mo talaga ang buong school.
“Ang taas!” napasigaw ako bigla nang dumungaw sa ibaba.
“Indeed.” saad ni Primo.
“Here Louis, this is the map of our school. And we’re here.” dagdag pa niya at itinuro ang building sa gitnang bahagi ng mapa.
Inisa-isa na niya ang mga buildings na naririto at in-explain isa isa, halos ilang oras din akong nakinig sakaniya at
“Uh, so ano gusto mong unahin puntahan?” tanong ni Primo sa akin.
“Dorm, please.” saad ko
“Haha, alright.” tumawa ito at bumaba na kami.
Paglabas namin sa Main Hall ay sumakay kami sa isang 6 passenger golf cart. Namangha ako sa disenyo nito dahil nag ma-match ito sa kulay ng uniform. Wala, kakaiba lang.
“Dormitory Building po.” saad ni Primo sa driver ng golf cart na ito.
Tumango naman ang driver at nagsimula na kaming umandar, malayo layo rin bago kami makarating. Nang makarating na kami ay agad akong tumingala sa sobrang laki ng building na iyon. Mas malaki pa ito sa Main Hall ngunit mas mataas pa rin ang Main Hall kaysa dito sa Dormitory Building.
Sumakay ulit kami ng elevator at tumigil sa 5th floor. Tumapat kami sa isang room at iniabot sa akin ni Primo ang susi na may naka-attach na room number.
“Here’s the key, map with details, and also the hand book. Nariyan lahat ng rules and regulations nag school na ‘to, and here’s another book, it contains all the things na kailangan mong malaman about our school.” mahabang litanya niya at iniabot ang bag na naglalaman ng mga iyon. Jusko naman, hindi man lang ako pag pahingahin.
“It’s already 9 am, 11 am ang start ng lunch. Nasa handbook ang number ng personal driver, bodyguard, and maid mo. Bukas sila mag i-start mag work for you.” saad ni Primo.
“We will sundo you na lang later, sabay na tayo mag lunch. Here’s my calling card, call me if ready ka na.” saad naman ni Wendy at kumaway na sa’kin at nagsimula na silang maglakad papalayo sa room ko.
Pagharap ko sa dalawang pinto ng room ko ay napatingala ako, room ko ba talaga ito? Bakit ang laki. Kinuha ko na ang mga gamit ko at binuksan na ang pinto, muntik ko pa na mabitawan ang mga iyon nang nilibot ko ang mata sa room na iyon. Buong bahay na namin ‘to! Jusko. Sinimulan ko nang i-explore ang room ko, and oh my f*cking gosh. May kitchen, may comfort room, may queen size bed, may enclosed terrace, and closet room!
Nilibot ko ang room ko at isa isa nang inayos ang mga gamit ko, pagbukas ko ng closet room ay naroon ang mga school uniforms and iba pang mga gamit na kakailanganin ko. Kaunti lang naman mga dala kong damit kaya isang sulok lang ng closet room ang na-occupy ng mga iyon. After no’n ay nag shower muna ako at nag palit ng damit, white v-neck shirt na pinartner-an ko ng long maong skirt at doll shoes. Next week pa ang simula ng school kaya ina-allow pa nila ang civilian clothings.
Tinignan ko ang oras sa phone ko, “10 am pa lang naman, later na ‘ko lalabas.” huminga ako nang malalim at agad na sumampa sa queen size bed na sobrang lambot. Hindi ko na namalayan ang sarili ko at unti-unti nang dumilim ang paligid.