NAGKUMUSTAHAN sila ng kaibigan na si Jax habang hinihintay ang order nila sa isang spaghetti house. "Kumusta ka naman, Princess?" tanong nito hawak ang pisngi ng dalawang kamay na nakatungkod sa mesa. Nasanay na ito na tawagin siyang Princess dahil para siyang prinsesa kung umasta simula pa noong bata pa siya. Spoiled princess ang tawag nito sa kanya noon. Bumuntonghininga si Ingrid. "Panget ba ‘ko, friend? Panget ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ko?" Nagtaas ang kilay nito sa narinig. "Lysa, ikaw ba iyan? Then, Why?" patol nito sa tanong niya. Humalukipkip lang si Ingrid at saka ngumuso. "Eh kasi naman 'yung first love ko, parang ayaw sa akin," malungkot na sabi niya. "Woah! May nagugustuhan ka na?" Nabigla ito sa sinabi niya, nanlaki ang mata. Tumango siya. "He is handsome

