CHAPTER 30 CLOVETT SALMIGAN POV: "Hello, little Miss. Good morning," nakangiti ako ng makita ang mahal ko. Naka white sando at black pajama siya at gulong-gulo pa ang mga buhok dahil sa bagong gising pero nakahiga pa rin sa kama. Nakatagilid na parang magkatabi lang kami hang nag-uusap. "I miss you!" arhh! Ang sarap sa tenga ng kanyang bedroom voice. Masarap sa pandinig ang husky niya na boses. Kinikiliti ang mga bituka ko sa tiyan. "Sobrang na miss din kita Mr. Big! Ano? Nakatulog ka ba ng mahimbing?" tanong ko sa kanya na agad naman siyang nakasimangot habang umiiling. Confirm na hindi nga, baka mamaya ay badtrip ito sa araw ng kasal namin. Yes, ito yung araw na ikakasal na kami, mamayang hapon bago mag-sunset at ang venue ng reception ay sa dalampasigan na kung saan kami pumunta

